Inang-Bayan (Volgograd)
Ang Inang-Bayan (Ruso: Родина-мать, Rodina-mat’) ay isang malaking rebulto sa Volgograd, Rusya. Ang buong pangalan nito ay Родина-Мать зовёт (Rodina-mat’ zovyot), ibig sabihin "tumatawag ang Inang-Bayan". Tinayo ito ng Unyong Sobyet bilang pang-alaala sa kanilang tagumpay sa Pangalawang Digmaang Pandaigdig, lalo na sa Labanan sa Stalingrad.