Inang Emperatris Cixi

Si Inang Emperatris Cixi o Inang Emperatris Tz'u-Hsi (Ingles: Empress Dowager Cixi, Tsino: 慈禧太后; pinyin: Cíxǐ Tàihòu; Wade–Giles: Tz'u2-hsi3 T'ai4-hou4; Pagsasalitang Mandarin: [tsʰǐɕì tʰâɪ̯ xɤ̂ʊ̯]; Manchu: Tsysi taiheo) (29 Nobyembre 1835 – 15 Nobyembre 1908), na mas nakikilala sa Tsina bilang Inang Emperatris ng Kanluran (Ingles: West Dowager Empress, Intsik: 西太后), ay nagmula sa Angkan ng Yehe Nara ng Manchu. Naging isa siyang makapangyarihan at makarismang pigura na naging pinunong de facto ng Dinastiyang Qing ng Manchu at namuno sa Tsina sa loob ng 47 mga taon magmula 1861 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1908. Bagaman ang kaniyang tumpak na pinagmulan ay hindi malinaw, maaaring nagmula siya sa isang ordinaryong mag-anak na Manchu. Napili siya ni Emperador Xianfeng bilang isang konkubina, kung kaya't nagkamit siya ng halos buong pagtaban o kontrol sa korte nang magsimula ang pamumuno ng kaniyang anak na lalaki na si Emperador Tongzhi. Nagtangka si Emperador Tongzhi at ang kaniyang pamangking lalaki na si Emperador Guangxu na mamuno ayon sa kanilang sariling karapatan ngunit hindi nagtagumpay. Namuno si Inang Emperatris Cizi noong panahon ng Mga Digmaan ng Opyo, Unang Digmaang Intsik-Hapones, at Rebelyong Boxer. Malakihan ang pagiging konserbatibo ni Emperatris Cizi noong kaniyang pamumuno, at maraming mga manunulat ng kasaysayan ang tumuturing sa kaniya bilang isang despotismo, at iniisip na maaaring siya ang may pananagutan sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing at pagdaka sa pagbagsak ng Imperyo ng Tsina, bilang resulta ng pamumuno ni Cixi.

Inang Emperatris Cixi
Kapanganakan29 Nobyembre 1835
  • (Republikang Bayan ng Tsina)
Kamatayan15 Nobyembre 1908
  • (Beijing, Republikang Bayan ng Tsina)
LibinganEastern Qing Tombs
MamamayanDinastiyang Qing
Trabahopolitiko, reynang reynante, pintor, monarko, potograpo
AsawaEmperador Xianfeng
AnakTongzhi
Magulang
  • Yehenara Huizheng
PamilyaYehenara Wanzhen
Guixiang
Fuxiang

Bibliyograpiya

baguhin
  • Chung, Sue Fawn. "The Much Maligned Empress Dowager: A Revisionist Study of the Empress Dowager Tz'u-Hsi (1835–1908)." Modern Asian Studies 13, no. 2 (1979): 177-96.
  • Hummel, Arthur William, ed. Eminent Chinese of the Ch'ing Period (1644–1912). 2 vols. Washington: United States Government Printing Office, 1943.
  • Warner, Marina. The Dragon Empress: Life and Times of Tz'u-hsi 1835-1908. Weidenfeld & Nicolson, 1972.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.