Inazawa
Ang Inazawa (稲沢市 Inazawa-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019[update], may tinatayang populasyon na 135,580 katao ang lungsod sa 54,999 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 1,709 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 79.35 square kilometre (30.64 mi kuw).
Inazawa 稲沢市 | |||
---|---|---|---|
Owari ōkunitama-jinja (sa taas) at panoramang urbano ng Inazawa (sa baba) | |||
| |||
Kinaroroonan ng Inazawa sa Aichi Prefecture | |||
Mga koordinado: 35°15′53″N 136°47′48.9″E / 35.26472°N 136.796917°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Chūbu (Tōkai) | ||
Prepektura | Aichi | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Toshiaki Ōno | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 79.35 km2 (30.64 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Oktubre 2019) | |||
• Kabuuan | 135,580 | ||
• Kapal | 1,700/km2 (4,400/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
- Puno | Pino | ||
- Bulaklak | Krisantemo | ||
Bilang pantawag | 0587-32-1111 | ||
Adres | 1 Inabuchō, Inazawa-shi, Aichi-ken 492-8269 | ||
Websayt | [www.city.inazawa.aichi.jp Opisyal na websayt] |
Kasaysayan
baguhinAng Inazawa ay ang kinaroroonan ng panlalawigang kabisera at panlalawigang templo ng lalawigan ng Owari noong panahong Nara. Nagmumula rin sa panahong ito ang Owari Onkunitama Jinja, isang mahalagang dambanang Shinto na matatagpuan sa mga hangganan ng kasalukuyang lungsod. Noong panahong Edo, ang mga nayon ng Inaba at Ozawa ay bumuo sa hintuan sa Minoji, isang kaidō na nag-uugnay ng Miya-juku (Atsuta sa Tōkaidō) sa Tarui-juku (Lalawigan ng Mino) sa Nakasendō. Noong unang bahagi ng panahong Meiji, itinatag ang bayan ng Inazawa kasabay ng pagtatatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Lumawak ang kinasasakupan ng bayan noong 1907 at 1955 sa pamamagitan ng pagdurugtong ng kalapit na mga nayon, at noong 1 Nobyembre 1958, itinaas ito sa katayuang panlungsod.
Noong 1 Abril 2005, sinanib sa Inazawa ang mga bayan ng Heiwa at Sobue (kapuwa mula sa Distrito ng Nakashima).
Heograpiya
baguhinMatatagpuan ang Inazawa sa mga kapatagan ng kanlurang dako ng Prepektura ng Aichi, at kahangga ang Prepektura ng Gifu sa kanluran. Malapit ito sa Nagoya. Kapuwang dumadaloy sa lungsod ang Ilog Kiso at ang Ilog Gojō.
Kalapit na mga munisipalidad
baguhinDemograpiya
baguhinAyon sa datos ng senso sa Hapon,[2] hindi gaanong nagbabago nang malakihan ang populasyon ng Inazawa sa nakalipas na 30 mga taon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1940 | 56,321 | — |
1950 | 71,370 | +26.7% |
1960 | 79,847 | +11.9% |
1970 | 110,629 | +38.6% |
1980 | 126,023 | +13.9% |
1990 | 132,483 | +5.1% |
2000 | 136,928 | +3.4% |
2010 | 136,415 | −0.4% |
Mga kapatid na lungsod
baguhin- - Olympia, Gresya, mula noong 22 Agosto 1987[3][4]
- – Chifeng, Monggolyang Interyor, Tsina, mula noong 16 Mayo 1989[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Inazawa City official statistics (sa Hapones)
- ↑ Inazawa population statistics
- ↑ "姉妹都市:オリンピア市(ギリシャ)". 稲沢市. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-08. Nakuha noong 2012-02-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "姉妹提携情報". 自治体国際化協会. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-27. Nakuha noong 2012-02-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Opisyal ba websayt ng Lungsod ng Inazawa (sa Hapones)