Ang Inconsolata ay isang open-source (o bukas na pinagmulan/pinagbatayan) na mga tipo ng titik na nilikha ni Raph Levien at nilabas sa ilalim ng Lisensyang SIL Open Font. Dinisenyo ito para sa mga paglilista ng kodigong pinagbatayan o source code, mga emulator sa terminal, at mga katulad na gamit. Naimpluwensiyahan ito sa propretaryong monospaced na tipo ng titik na Consolas, na dinisenyo ni Lucas de Groot, ang proporsyunal na Avenir at ang klasikong monospaced ng IBM na Letter Gothic.

Inconsolata
KategoryaSans-serif na Monospaced
KlasipikasyonHumanista
Mga nagdisenyoRaph Levien
Petsa ng pagkalikha2006
LisensyaLisensyang Open Font
Binatay ang disenyo saConsolas, Avenir, Letter Gothic

Nakatanggap ang Inconsolata ng kanais-nais na mga pagsusuri mula sa maraming mga nag-proprograma o programmer[1][2][3] na tinuturing ito bilang isang monospaced na tipo ng titik na lubos na nababasa at malinaw.

Isang bersyong naka-Hellenisadong Inconsolata, na naglalaman ng buong suporta para sa monotonikong Makabagong Griyego, ay nilabas ni Dimosthenis Kaponis noong 2011 bilang Inconsolata Hellenic, sa ilalim ng parehong lisensya.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Benjamin, Dan (17 Mayo 2009). "Top 10 Programming Fonts". Hivelogic (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Garrity, Steven (9 Setyembre 2007). "Inconsolata: Quality Free and Open Font for Programmers". Acts of Volition (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Cowie, Andrew (19 Disyembre 2009). "Lovely Inconsolata". Operational Dynamics (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-24. Nakuha noong 27 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Kaponis, Dimosthenis (6 Enero 2011). "Inconsolata Hellenic!". cosmix.org. Nakuha noong 27 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)