Inhinyeriyang pangkaragatan

Ang inhinyeriyang pangmarina (Ingles: marine engineering) ay tumutukoy sa inhinyeriya na may kaugnayan sa mga bangka, mga barko, platapormang pangkrudo (nasa dagat at malayo sa dalampasigan) at iba pang mga sasakyang pangdagat. Bilang isang larangan, ang inhinyeriyang pangmarina o inhinyeriyang pangdagat ay ang disiplina na naglalapat o gumagamit ng mga agham na pang-inhinyeriya, na karamihan ay may kaugnayan sa inhinyeriyang mekanikal at inhinyeriyang pangkuryente (inhinyeriyang elektrikal), hanggang sa paglikha, pagpapaunlad, pagdidisenyo, pagpapaandar, at pagpapanatili ng propulsiyon at mga sistemang nakalulan sa isang sasakyang pantubig; katulad halimbawa ng mga planta ng kuryente at ng propulsiyon, makinarya, mga tubo, sistema ng awtomasyon at kontrol, at iba pa, na para sa anumang mga uri ng sasakyang pangkaragatan, kabilang na ang mga barkong pang-ibabaw ng tubig at mga submarino. May kaugnayan ang inhiyeriyang pangmarina sa propulsiyong pangdagat, silid na pangmakina, kagawaran ng inhinyeriya ng barko, opisyal ng inhinyeriya ng bapor, at arkitekturang pangmarina.

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.