Inhinyeriyang pangpakikipaglaban
Ang inhinyeriyang pangkombat o inhinyeriyang pangpakikipaglaban ay ang larangan ng isang sundalo na inhinyerong pangkombat (tinatawag ding piyonero o sapper sa maraming mga hukbong pangmilitar), na nagsasagawa ng sari-saring mga gawaing pangkonstruksiyon at pangdemolisyon habang nasa mga kalagayan ng pakikipaglaban o kombat. Ang ganitong mga gawain ay karaniwang kinabibilangan ng pagbubuo at pagwawasak ng mga trintsera (bambang), mga bitag na pangtangke at iba pang mga portipikasyon, pagtatatag ng mga tulugan o bunker, mga tulay at mga lansangan, paglalatag at paghahawi ng sumasabog na mga minang panlupa, at ng iba pang mga gawaing pisikal sa pook ng labanan. Sa mas panlahatan, ang layunin ng mga inhinyerong pangkombat ay kinasasangkutan ng pagpapaginhawa ng pagkilos at pagbibigay ng suporta sa mga puwersang hindi kalaban habang hinahadlang ang sa kaaway.
Sa karaniwan, ang isang inhinyerong pangkombat ay sinanay din upang maging isang sundalo ng impantriya (hukbong-lakad), at ang mga yunit ng inhinyeriyang pangkombat ay kadalasang mayroong gampaning hindi pangunahin na pampakikipaglaban bilang sundalo ng hukbong-lakad. Bukod sa pagtatanggol ng sarili, ang mga inhinyerong pangkombat, mga tropa ng hukbong-lakad at panglusob o pangsalakay na mula sa mga yunit ng hukbong nakabaluti ay ang bukod-tanging mga tropa sa pangkalahatan na humaharap sa pagsalakay habang hindi nakalulan sa sasakyan o kabayo. May limitasyon ang gampaning ito dahil sa kawalan ng suportang pang-armas. Subalit ang mga inhinyerong pangkombat ay karaniwang mayroong kakayahang panlaban sa armor o baluti ayon sa kanilang gampanin na panghukbong naglalakad, katulad ng mga misil na panlaban sa tangke. Walang mga kuwalipikasyon masulong na pang-akademiya na kailangan upang maging isang inhinyerong pangkombat. Sa diwang naririto, ang katagang "inhinyero" ay hindi dapat ikalito sa paggamit ng salita para sa inhinyerong propesyunal o inhinyerong nakatsarter (inhinyerong inuupahan o inhinyerong upahan).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.