Konstruksiyon

(Idinirekta mula sa Pangkonstruksiyon)

Sa mga larangan ng arkitektura at inhinyeriyang sibil, ang konstruksiyon o paggawa ng gusali ay isang prosesong binubuo ng paggawa, pagtatayo, o pagbubuo ng imprastruktura. Malayo sa pagiging iisang gawain, ang isang gawaing panggusali na malakihan ang sukat ay isang gawain ng paggawa ng maraming mga tungkulin at gawain na pantao. Sa pangkaraniwan, ang trabahong ito ay pinamamahalaan ng isang tagapamahala ng proyekto, at pinangangasiwaan ng isang tagapangasiwa ng konstruksiyon, inhinyero ng disenyo, inhinyero ng konstruksiyon o arkitekto ng proyekto.

Konstruksiyon

Para sa matagumpay na pagsasakatuparan at katalaban ng isang proyekto, mahalaga ang mabisang pagpaplano. Ang pagiging kasangkot sa disenyo at pagsasakatuparan ng isang imprastruktura ay dapat na magsang-alang-alang ng epekto sa kapaligiran ng nasabing trabaho o gawain, mapagkukunan at makukuhang mga materyales na pangtayo, lohistika, kawalan ng kaginhawahan ng publiko na sanhi ng pagkaantala ng konstruksiyon at turingan at alukan ng halaga na pangkonstruksiyon, at marami pang iba.

Mga uri ng proyektong pangkonstruksiyon

baguhin

Sa pangkalahatan, mayroong tatlong mga uri ng konstruksiyon:

  1. Pagtatayo ng gusali
  2. Mabigat na konstruksiyon o konstruksiyong sibil
  3. Konstruksiyong industriyal

Ang bawat isang tipo ng proyekto ng konstruksiyon ay nangangailangan ng isang namumukod-tanging pangkat na magpaplano, magdidisenyo, magbubuo at magpapanatili ng proyekto.