Pilete

Iniihaw na hiwa ng karneng minsang may buto
(Idinirekta mula sa Inihaw na karne)

Ang pilete,[1] istek, o isteyk (Ingles: steak) ay ang hiwa ng karne ng baka, baboy, isda, at iba pang hayop. Ngunit maaari rin itong tumukoy sa isang uri ng lutuing may kinapal na giniling na karne. Pinakakaraniwang sa ganitong mga hiwa ang mula sa baka. Pangkalahatang hinihiwa ang karne sa mga kalamnang hibla nito, potensyal na kabilang ang buto. Karaniwang inihanda ito upang ihawin.[2] bagaman, maari din itong iprito sa kawali. Kadalasan itong iniihaw upang subukang gayahin ang lasa ng isteyk na niluto sa nagbabagang uling na may apoy.[2] Maari din na lutuin ang isteyk sa sawsawan, tulad ng steak and kidney pie, o tinatadtad at binubuo upang maging patty, tulad ng hamburger.

Mga hilaw na pang-ihaw na hiwa ng karne ng baka.
Mga iniihaw na hiwa ng karne ng baka, na nasa ibabaw ng parilya o ihawan.
Ang nakahain nang hiwa ng karne ng baka.

Kabilang sa iba pang hayop na puwedeng gawing isteyk ang karne ng bison, kambing, kabayo, kangaroo,[3][4] tupa, ostrich, usang reno, pabo, usa, at zebu. Ang mga isdang na puwedeng gawing steak ay salmon at iyong mga malalaking isda tulad ng isdang-espada, pating at marlin. Para sa ibang mga karne, tulad ng sa baboy, kordero at karne de obino, karne ng kambing, at ternera (karne ng guya), kadalasang tinutukoy ang hiwa nito bilang chop o pirasong hiwa ng karne. Sa ilang cured o binurong karne, tulad ng hamonado. ay kadalasang hinahanda bilang isteyk.

Ang inihaw na kabuteng potabello ay maaring tawaging isteyk na kabute at pareho din sa ibang lutuing gulay.[5] Ang mga inihaw na prutas tulad ng pakwan ay ginamit bilang alternatibo sa begetariyanong isteyk.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Steak - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 Carrier, Robert (1 Enero 1981). Robert Carrier's Kitchen. Bol. 1. London, UK: Marshall Cavendish. p. 1456.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Exotic Meats USA - Kangaroo" (sa wikang Ingles). Hinango noong 23 Disyembre 2014.
  4. "Eating Skippy: Why Australia has a problem with kangaroo meat". BBC News (sa wikang Ingles). Hinango noong 23 Disyembre 2014.
  5. Kitchen, The Canadian Living Test. "Mushroom Steaks". Canadian Living.