Kimikang inorganiko

(Idinirekta mula sa Inorganikong kimika)

Ang kimikang inorganiko o kimikang hindi organiko (Ingles: inorganic chemistry) ay isang sangay ng kimika na nag-aaral ng mga elementong pangkimika at mga langkapang inorganiko (kumpuwestong hindi organiko). Sa payak na kahulugan, ang kimikang inorganiko ay ang lahat ng kimika na hindi kimikang organiko (kimikang hindi organiko). Bilang saligan, ang kimikang organiko ay ang pag-aaral ng mga kumpuwesto ng karbon. Samantala, pinag-aaralan naman ng kimikang inorganiko ang mga elemento (kasama ang karbon) at ang lahat ng mga kumpuwesto na bukod pa sa mga kumpuwestong karbon. Mayroong mangilan-ngilang mga hindi kasali sa ganitong patakaran, subalit ang kahulugang ito ay sumasaklaw sa karamihan ng mga kaso.

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.