Ang intensiyon (Ingles: aim, purpose, aim, goal, intention, objective, dream) ay isang tiyak na layunin ng isang ahente sa pagsasagawa ng isang kilos o mga serye o magkakasunod na mga galaw, na katapusan o layon na pinupukol. Ang mga resulta o mga kinalabasan hindi inaasahan o hindi hinihintay ay nakikilala bilang mga kinahinatnang hindi sinasadya (konsekwensiyang hindi inaasahan). Ang sinasadyang kilos o ugali ay maaaring maging inisip at pinakay na patungo sa layunin. Ang kamakailang mga pananaliksik sa pilosopiyang eksperimental ay nagpapakita na mahalaga rin ang iba pang mga bagay-bagay hinggil sa kung ang kilos ay maisasaalang-alang bilang intensiyunal (sinadya) o hindi sinasadya.

Sa ibang kahulugan, ang layunin ay isang motibasyon o ginustong resulta na pinangarap, binalak at isinakatuparan ng isang hayop o ng isang sistema upang makamit — isang pansarili/personal o pangsamahang ninais na wakas (tuldok ng katapusan) na nasa ilang uri ng ipinalagay na kaunlaran. Maraming mga tao ang nagsusumikap o nagpupunyaging maabot ang mga layunin sa loob ng isang may katapusang panahon sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga hangganang oras. Sa wikang Ingles, ang goal ay halos kahalintulad ng purpose o ng aim, ang inaasahang resulta na gumagabay sa pagtugon o reaksiyon, o isang wakas o dulo, na isang bagay, na maaaring isang pisikal na bagay o isang abstraktong bagay, na mayroong halagang intrinsiko (likas na mahalaga o likas ang pagka-natatangi).

Ang layunin ay maaaring tawagin din o kaugnay din ng mga sumusunod na salita: adhika, adhikain, at pangarap.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.