International Rice Research Institute
Ang Pandaigdigang Surian sa Pananaliksik sa Palay[3] (Ingles: International Rice Research Institute o mas kilala bilang IRRI) ay isang pandaigdigang organisasyon sa pagsasaliksik at pagsasanay sa agrikultura. Nasa Los Baños, Laguna, Pilipinas ang punong-tanggapan nito, at may mga opisina ito sa labimpitong bansa.[4][5] Kilala ang IRRI dahil sa ambag nito sa paglikha ng mga uri ng bigas sa Rebolusyong Berde noong d. 1960 para maiwasan ang taggutom sa Asya.[6]
International Rice Research Institute | |
Pagkakabuo | 1960 |
---|---|
Uri | Organisasyong intergobernamental |
Layunin | Pananaliksik |
Punong tanggapan | Los Baños, Laguna, Pilipinas |
Coordinate | 14°10′12″N 121°15′25″E / 14.170°N 121.257°E |
Rehiyon served | Buong mundo |
Direktor Heneral | Dr. Yvonne Pinto |
Kaugnayan | CGIAR |
Badyet | US$92.02 milyon (2015)[1] |
Tauhan | higit sa 1,000[2][wala sa ibinigay na pagbabanggit] |
Website | www.irri.org |
Itinatag noong 1960, naglalayon ang surian na bawasan ang kahirapan at gutom, pabutihin ang kalusugan ng mga nagsasaka ng palay at konsyumer ng bigas, at tiyakin ang pagiging likas-kaya ng pagsasaka ng palay. Isinusulong ang misyon nito sa pagtutulungang pagsasaliksik, mga pakikipagsosyo, at pagpapalakas ng mga pambansang sistema sa pagsasaliksik at pagpapalawak agrikultura ng mga bansang pinagtatrabahuan ng IRRI.[7]
Pinagmulan
baguhinItinatag ito noong 1960 sa tulong ng Ford Foundation, Rockefeller Foundation, at Pamahalaan ng Pilipinas.[8]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "IRRI website: 2015 Annual Report" [Websayt ng IRRI: Taunang Ulat ng 2015] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2016. Nakuha noong 9 Oktubre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "IRRI website: Our people" [Websayt ng IRRI: Aming tauhan] (sa wikang Ingles).
- ↑ Lipunan at Rebolusyong Pilipino, Ikaapat na Edisyon (2005). Pambansang Kawanihan sa Pagsasalin, Partido Komunista ng Pilipinas
- ↑ "IRRI website: About IRRI" [Websayt ng IRRI: Tungkol sa IRRI] (sa wikang Ingles).
- ↑ "International Rice Research Institute on Google maps" [en] (sa wikang Pandaigdigang Surian sa Pananaliksik sa Palay sa Google maps).
{{cite news}}
: CS1 maint: unrecognized language (link) - ↑ "A bigger rice bowl" [Mas malaking mangkok ng kanin]. The Economist (sa wikang Ingles). 10 Mayo 2014. Nakuha noong 7 Disyembre 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "IRRI - Our mission" [IRRI - Aming misyon] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Disyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chandler, Robert Flint (1982). An Adventure in Applied Science: A History of the International Rice Research Institute [Isang Abentura sa Aplikadong Agham: Kasayasayan ng Pandaigdigang Surian sa Pananaliksik sa Palay] (PDF) (sa wikang Ingles). International Rice Research Institute. ISBN 9789711040635.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)