Isang bansa, dalawang sistema
Ang "isang bansa, dalawang sistema" (Ingles: One country, two systems, Tsino: 一國兩制 (tradisyunal), 一国两制 (payak))[1] ay isang ideya na unang inimungkahi ni Deng Xiaoping noong unang bahagi ng dekada 1980, noong pinakamahalagang pinuno ng Republikang Bayan ng Tsina, para sa muling pagsasama-sama ng Tsina. Inimungkahi ni Deng na magkakaroon lamang ng isang Tsina, ngunit mapapanatili ng mga lugar tulad ng Hong Kong, Macau at Taiwan ang kanilang kapitalistang ekonomiya at sistemang pampolitika, kung saan ang natitirang bahagi ng Tsina ay gumagamit ng sistemang "sosyalista". Sa ilalim ng mungkahi, mapapanatili ng Taiwan ang kanilang sistemang pampolitika, at mga ugnayang legal, pang-militar, pang-ekonomiya at pananalapi, kasama ang mga kasunduang pang-kalakalan at pang-kultura sa mga dayuhang bansa, ngunit mawawala nito ang kanyang sariling pagpapasiya at makakatamasa lamang ito ng "ilang karapatan" sa uganayang panlabas.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Patakarang "Isang bansa, dalawang sistema," makakatulong sa HKSAR-Punong Ehekutibo ng HKSAR". China Radio International. 18 Agosto 2016. Nakuha noong 27 Nobyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ China.org.cn. "China.org.cn." One Country, Two Systems. Ikinuha 4 Enero 2008.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.