Ang Isiro (binibigkas na IPA[iˈsiro]) ay ang kabisera ng lalawigan ng Haut-Uele sa hilaga-silangang bahagi ng Demokratikong Republika ng Congo. Matatagpuan ito sa pagitan ng ekwadoryal na maulang gubat at ng sabana at ang pangunahing yaman nito ay kape.

Isiro
Isiro (noo'y "Paulis") noong 1942
Isiro (noo'y "Paulis") noong 1942
Isiro is located in Democratic Republic of the Congo
Isiro
Isiro
Kinaroroonan sa Demokratikong Republika ng Congo
Mga koordinado: 2°46′N 27°37′E / 2.767°N 27.617°E / 2.767; 27.617
Bansa Demokratikong Republika ng Congo
LalawiganHaut-Uele
Taas
730 m (2,400 tal)
Populasyon
 (2012)
 • Kabuuan182,900
KlimaAf
Pambansang wikaLingala

Kasaysayan

baguhin

Dating ipinangalang Paulis ang lungsod, mula sa koronel at kalaunan diplomatiko na si Albert Paulis noong bahagi pa ito ng Belhikanong Congo. Sumibol ang lungsod noong 1934 at naabot nito ang tugatog noong 1957.[1] Sa magulong mga araw ng kalayaan ng Congo at ang naging bunga nito, ang oplan Itim na Dragon ay nagdala sa labanan sa pagitan ng mga parasyutistang Belhikano at pampook na milisyang Simba.

Noong 1998, naging tahanan ang Isiro ng bagong-tatag na pamantasang pinatatakbo ng mga Domikano - ang Université d'Uélé.

Bago ang 2015, ang Isiro ay bahagi ng lalawigan ng Orientale at punong bayan ng dating distrito ng Haut-Uele (ngayo'y lalawigan ng Haut-Uele).

Demograpiya

baguhin
Historical population
TaonPop.±%
2004 150,000—    
2012 182,000+21.3%
2004: [2]

Tinatayang nasa 182,000 katao ang populasyon ng Isiro. Karamihan sa mamamayan nito ay nagsasalita ng Lingala, ngunit karaniwan din ang paggamit ng Swahili.

Transportasyon

baguhin

Pinaglilingkuran ang Isiro ng Paliparan ng Matari, ang pambansang paliparan na may mga lipad patungong pambansang kabisera na Kinshasa. Kasalukuyang hindi gumagana ang liblib na makitid na riles ng linyang Vicicongo patungong pantalang ilog ng Bumba sa Ilog Congo. Ang mga di-sementadong daan papunta at mula sa Isiro ay nagbibigay ng komersiyal na pangangalakal sa Uganda at Timog Sudan, ngunit maaari itong hindi madaraanan tuwing tag-ulan.

02°47′N 27°37′E / 2.783°N 27.617°E / 2.783; 27.617

Mga sanggunian

baguhin
  1. [1] Naka-arkibo 2007-09-28 sa Wayback Machine. Université d'Uélé (in French). Accessed November 4, 2006.
  2. [2] 2004 Urban Population map of the Democratic Republic of Congo