Itō Jakuchū
- Sa pangalang Hapones na ito, ang apelyido ay Itō.
Si Itō Jakuchū (伊藤 若冲, 1716–1800) ay isang pintor na Hapones na namuhay noong kalagitnaan ng panahon ng Edo nang isara ng bansang Hapon ang mga pintuan nito sa panlabas na mundo. Marami sa kaniyang mga larawang ipininta ang sumasaalang-alang sa paksang tradisyunal na Hapones, partikular na ang mga manok at iba pang mga ibon. Marami sa kaniyang ibang mga akdang makatradisyon ay nagpapakita ng isang malaking antas ng eksperimentasyon hinggil sa perspektibo, at ng iba pang napaka modernong mga elementong pang-estilo.
Kapag inihambing kay Soga Shōhaku at iba pang mga halimbawa ng mga pintor na eksentriko noong kalagitnaan ng panahon ng Edo, si Jakuchū ay sinasabing napaka mahinahon, mapagpigil, at prupesyunal. Mayroon siyang mahigpit na kaugnayan sa mga ideyal ng Budismong Zen, at itinuturing bilang isang koji o "karaniwang tao na kapatid sa pananampalataya"; subalit matalas din ang kaniyang kamalayan hinggil sa kaniyang gampanin sa loob ng isang lipunan ng Kyoto na noon ay unti-unting tumataas ang antas ng pagiging makakalakal.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.