Ang Zen, na maaari ring isulat bilang Sen o Tsen, ay isang paaralan ng Budismong Mahāyāna.[2] [3]

Ang salitang Zen ay buhat sa pagbigkas sa Hapones ng Panggitnang wikang Intsik na salitang 禪 Dzyen (na sa makabagong Mandarin ay Chán), na hinango naman mula sa salitang Sanskrit na dhyāna, na tinatayang maisasalinwika bilang "pagsipsip" (absorpsiyon) o "kalagayang meditatibo" (katayuang nagbubulay-bulay).[4]

Binibigyang diin ng Zen ang pangkaranasang karunungan sa pagkakamit ng pagkamulat. Bilang ganyan, hindi nito binibigyan ng diin ang kaalamang teoretikal bilang pagbibigay ng pabor o pagkiling sa tuwirang pagpapatotoo ng sarili sa pamamagitan ng pagninilay o meditasyon at pagsasagawa ng dharma.[5] Kabilang sa mga pagtuturo ng Zen ang sari-saring mga pinanggalingan ng kaisipang Mahāyāna, kasama na ang panitikang Prajñāpāramitā, ang Madhyamaka, ang Yogācāra at ang mga Sutrang Tathāgatagarbha.

Nang nakaraang mga siglo, naimpluwensiya ang Zen ng Taoismo. Kaya simple at kompakto ang mga bagay sa Zen. Ang pilosopiya ng Zen ay laganap sa mga arte ng Hapon, bilang ang haiku at ikebana.

Binibigyang diin sa Zen ang di-logosentrikong pag-iisip (Ingles: non-logocentric thinking) o kaya pag-iisip na hindi sentro ang mga salita. Ginagamit ang mga paradohang imahen. Kung may salita, ginagamit ang mga kōan, paradohang pangungusap o tanong, sa meditasyon para wasakin ang rasyonalidad.

Mga Larawan

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Dumoulin 2005, p. xvii.
  2. Isinulat ni Dumoulin sa kanyang paunawa (paunang hiwatig) para sa kanyang Zen A History. Volume One: India and China (Zen Isang Kasaysayan: India at Tsina): "Zen (Ch'an sa Intsik, isang pagpapaikli ng ch'an-na, na pinaghanguan ng transliterasyon ng Sanskrit na dhyana o ng kahinlog nitong jhāna sa Pali—mga katagang nangangahulugang "meditasyon") ay ang pangalan ng isang paaralang Budista ng Mahāyāna na nagmula sa Tsina at kinatatangian ng pagsasagawa ng meditasyon na nasa posisyon ng lotus (sa Hapon ay zazen; sa Intsik ay tso-ch'an) at ng paggamit ng kōan (sa Intsik ay kung-an), pati na ang pagkaranas ng pagkamulat ng satori[1] na nagmula sa Tsina noong ika-6 na daantaon CE bilang Chán. Magmula sa Tsina, lumaganap ang Zen sa timog papuntang Biyetnam, sa pasilangan papuntang Korea at Hapon."
  3. Harvey 1995, p. 159-169.
  4. Kasulis 2003, p. 24.
  5. Yampolski & 2003-A, p. 3.