Wikang Mandarin

(Idinirekta mula sa Intsik na Mandarin)

Ang Mandarin ay ang wika ng pagtuturo sa Tsina at Taiwan. Isa ito sa limang pangunahing mga wikang pangrehiyon ng Tsina. Mas lumaganap ito 1920a iba pang mga wikang rehiyonal, magmula sa buong hilagang bahagi ng Tsina pababa papunta sa Lalawigan ng Yunnan na nasa timog-kanluran sulok ng Tsina. Sa malaking lugar na ito, maraming mga pagkakaibang pangrehiyon kaugnay ng bokabularyo, kaya't ang isang taong lilipat mula sa Beijing papuntang Yunnan ay hindi mauunawaan ang mga taong nagsasalita ng sarili nilang wika, ang Yunnan hua o wikang Yunnan. Mas malaki ang suliranin kaysa sa isang taong nasa Gran Britanya o Estados Unidos na pupunta sa Australya. Kaya't magmula noong dekada ng 1920, naglaan ang pamahalaan ng Tsina ng isang wikang pambansa sa pinakamalawak na nauunawaang mga salita at mga pagbigkas.

Sa Tsina, ang wikang ginagagamit sa lahat ng mga paaralan ay kilala bilang Pamantayang Mandarin, na tinatawag na Standard Mandarin sa Ingles, o Pu Tong Hua 普通话 / 普通話 na nangangahulugang "pangkaraniwang (sinasalitang) wika" o Han Yu 汉语 / 漢語 na nangangahulugang "wika ng Han". Sa mga pook na katulad ng Malaysia, kilala ito bilang Huayu. Sa Taiwan, kilala ito bilang Guo Yu 国语 / 國語 na ang ibig sabihin ay "pambansang wika." May ilang maliliit na mga pagkakaiba sa mga pamantayang ito.

Sinasalita ang Mandarin ng mahigit sa 800 milyong mga tao sa buong mundo, mahigit kaysa ibang mga wika. Ang Pamantayang Mandarin ay isa sa anim na opisyal na wika sa Mga Bansang Nagkakaisa.

Pagsusulat

baguhin

Ang Mandarin ay isinusulat sa pamamagitan ng mga panitik o karakter na Intsik na tinatawag na Hàn zì (漢字 o 汉字). Bawat Hànzì ay may kanikaniyang bigkas at kahulugan. Maglalaman ang isang pangkaraniwang talahuluganan o diksyunaryo ng nasa bandang 10,000 mga panitik. Ang Sinasalitang Mandarin ay gumagamit ng napakaraming mga pinagtambal-tambal na mga salita, mga salitang nagsasama-sama ng mga kahulugan katulad ng sa paraan ng pagtatambal sa Tagalog, halimbawa na ang "buntot-page", "bahay-kubo", "pook-pasyalan", at iba pa.

Ilan sa mga Intsik na panitik ang orihinal na may pagkakonkrretong mga larawan ng mga bagay na kinakatawan nila. Sa paglipas ng mga panahon, pinili ng mga taong magsulat ng mas payak na mga bersyon na mas maginhawa o mas madaling isulat subalit hindi na kamukha ng tunay na bagay, katulad ng kung paano natin paminsan-minsang iginuguhit ang mga taong patpat sa halip na gumuhit ng mga tao na may kamukha ng tunay na mga katawan, mga bisig, mga hita, at iba pa. Narito ang ilang mga halimbawa:

Sinauna Panitik na tatak Makabagong Nakaugalian Pinapayak Pinyin Kahulugan
    rén tao
    babaeng tao
    bata
    araw
    yuè buwan
    shān bundok
    chuān ilog
    shuǐ tubig
    ulan
    zhú kawayan
    puno
    kabayo
    niǎo ibon
    guī pagong
    lóng dragon

Subalit karamihan sa mga panitik ay nagawa ng pagsasama-sama ng mga larawan, na ginagamit ang isa upang ibigay ang pangkalahatang kahulugan, at ang isa pa upang katawanin ang isang tunog. Halimbawa, "媽 mā" (nanay) ay ginawa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng 女 (nǚ, babaeng tao) sa 馬 (mǎ, kabayo). Ang bahaging "ma" ay naroon lamang upang kumatawan sa tunog.

Sa sinaunang Tsina, ang isang panitik ay pangkalahatang sapat na para sa isang salita, ngunit ang sinasalitang Mandarin ay karamihang gumagamit ng mga tambalan katulad ng "媽媽 māma," na talaga namang "mama" lamang. Narito ang iba pang mga halimbawang nagpapakita ng iba't ibang mga paraan ng pagsasama-sama ng mga baha-bahagi:

  • 火車 huǒ chē (literal na apoy-sasakyan) tren
  • 大人 dà rén (literal na malaking tao) taong nasa wastong gulang
  • 打開 dǎ kāi (literal na patamaan buksan) buksan (ang pinto, bintana, sobre, atbp.)

Maaaring gumamit din ang iba't ibang mga wikang pangrehiyon sa Tsina ng ibang tambalan ng mga salita upang pangalanan ang iisang bagay.

Tingnan din

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.