Iturup
Ang Iturup (Ruso: Итуру́п and Остров Итуру́п, Ostrov Iturup[1]; Ainu: エツ゚ヲロプシㇼ, Etuworop-sir; Hapones: 択捉島, Etorofu-tō[2]) ay isa sa mga kapuluan ng Kuril, na pinakamalaki at pinakahilagang pulo sa katimugan ng mga Kuril, na kasalukuyang hawak ng Rusya ngunit inaangkin rin ng Hapon. Itinuturing ng bansang Hapon na pinakahilagang dulo nito ang Iturup.
Pinag-aagawang isla Ibang pangalan: Ruso: Итуру́п; Hapones: 択捉島; Ainu:エツ゚ヲロプシㇼ | |
---|---|
Larawan ng NASA ng katimugang dulo ng Iturup kasama ang Bulkang Berutarube at mga ilang kaulapan | |
Heograpiya | |
Lokayson | Dagat ng Okhotsk |
Mga koordinado | 45°02′N 147°37′E / 45.033°N 147.617°E |
Kapuluan | Kapuluang Kuril |
Lawak | 3,139 square kilometre (776,000 akre) |
Laki | 200 kilometro (120 mi) |
Haba | 27 kilometro (17 mi) |
Pinakamataas na punto | Stokap 1,634 metro (5,361 tal) |
Pinamumunuan ng | |
Rusya | |
Oblast | Sakhalin |
Inaangkin ng | |
Hapon | |
Prepektura | Hokkaidō |
Rusya | |
Oblast | Sakhalin |
Demographics | |
Populasyon | 7,500 (as of 2003) |
Pangkat-etniko | Ainu, Ruso |
Nasa ilalim ng teritoryong Hapones ang naturang pulo hanggang sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, nang kunin ng hukbong Sobyet ang lahat ng Kuril at sapilitang pinaalis ang mga Hapones na naninirahan doon.
Matatagpuan ang Iturup sa katimugang dulo ng pangkat ng Kuril, sa pagitan ng Kunashir (19 km sa bandang timog-kanluran) at ng Urup (37 km sa hilagang-silangan). Ang bayan ng Kurilsk, ang sentrong administratibo ng Distrito ng Kurilsky, ay matatagpuan sa halos kalagitnaan ng kanlurang gawi.
- Area - 3,139 km²
- Haba - 200 km
- Lapad - 7–27 km
Kilala ang kipot (strait) sa pagitan ng Iturup at Urup bilang Kipot ng Vries, na nagmula sa eksplorador na Olandes na si Maarten Gerritsz Vries, ang kauna-unahang naitalang Europeo na nakarating sa lugar na iyon.[3]
Mga larawang may kaugnayan sa Iturup
baguhin-
Mga bulkan ng Iturup
-
Rheniite, namuong lava sa likurang bahagi, mula sa Bulkang Kudriavy
-
Ang mga Hapon at Buddhist Temple sa Iturupa (bago ang 1939)
-
Iturup, 1981
-
Mga puno na palagiang naiihip ng hangin, 1981
-
Kurilsk, 1981
Sanggunian
baguhin- ↑ "Ostrov Iturup: Russia". Geographical Names. Nakuha noong 2014-02-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Etorofu-tō: Russia". Geographical Names. Nakuha noong 2014-02-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dutch exploration". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-25. Nakuha noong 2015-12-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kawing panlabas
baguhin- Takahara, Kanako (Setyembre 22, 2007). "Nemuro raid survivor longs for homeland" (Newspaper article). Japan Times. Nakuha noong 2008-02-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Google Maps
- Iturup sa Wayback Machine (naka-arkibo 2010-11-13)
- Sakhalin Oblast
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.