It's Showtime

(Idinirekta mula sa Jackie Gonzaga)

Ang It's Showtime (kilala rin bilang Showtime at Magpasikat) ay isang palabas pantelebisyon tuwing tanghali na pinapalabas sa ABS-CBN sa Pilipinas. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel. Ang programang ito ay ang pinaka-matagal na palabas na sari-sari (variety show) sa ABS-CBN Corporation. Ito ay ipinapalabas tuwing tanghaling tapat, anim na araw sa isang linggo. Ang kanilang istudyo ay nasa ABS-CBN Studios sa ABS-CBN Broadcasting Center, Lungsod Quezon.

It's Showtime
Uri
Isinulat ni/nina
  • Karla Gacusana
  • Maria Anna Isabel Reyes
  • Rachel Relucio
  • Matthew Salegumba
  • Bebeth Santos
  • Alex Balite
  • Ferdi Aguas
  • Alex Calleja
DirektorBobet Vidanes
Host
HuradoVarious hurados (judges)
Kompositor ng tema
  • DJ MOD
  • Bobet Vidanes
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaFilipino
Bilang ng kabanata3,150
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapPaencyd Pearl B. Sabangan
LokasyonABS-CBN Broadcasting Center, Lungsod Quezon, Pilipinas
Studio 2 (2009–2012, 2018)
Studio 3 (2012–2018, 2019–kasalukuyan)
Patnugot
  • Alphonse Dayao
  • Kerwin de Mesa
  • Malvin Flores
Ayos ng kameraMultiple-camera setup
Oras ng pagpapalabas3¼ to 3½ hours (including commercials)
KompanyaABS-CBN Entertainment
Pagsasahimpapawid
Picture format480i (SDTV)
1080i (HDTV)
Orihinal na pagsasapahimpapawid24 Oktubre 2009 (2009-10-24) –
kasalukuyan
Kronolohiya
Sumunod saPilipinas, Game Ka Na Ba? (as morning slot)
Happy Yipee Yehey! (as noontime slot)
Kaugnay na palabasIt's Showtime Indonesia
Website
Opisyal

Mga Hosts

baguhin

Mga pangunahing hosts

baguhin

Mga Segments

baguhin

Kasalukuyang Segments

baguhin
  • Girl on Fire: Pole dancing edition
  • Pera o Bayong
  • Little Ms. U
  • Super Jack en Poy
  • Bikini contest
  • Tawag ng Tanghalan

Kaayusan ng Produksiyon

baguhin

May tatlong grupo, ang bawat isa na binubuo ng sampu hanggang dalawampu't limang miyembro (walang limitasyon sa edad), na magsasagawa ng isang pagganap, maging ito man ay isang kantahan, sayawan, o pag-arte o basta nakakaaliw para sa mga manonood at sa mga hurado. Bago ang pagganap, isang kasapi ng grupo ang magbibigay ng isang panimula sa loob ng dalawampung segundo sa anumang paraan na sumasalamin sa grupo, ngunit dapat magtapos ito sa sugnay na "It's Showtime!". Gayunman, sa All Star Barangyan Edition, ilang kasapi ng kanilang Barangay ay bibigyan ng tatlompung segundo para sa kanilang panimula sa parehong proseso at ang mga Barangay na may pinakamahusay na pagpapakilala ay mananalo ng sampung libong piso. Pagkatapos ng pagganap, ang mga hurado, pati na rin ang mga manonood na tinatawag na "Madlang People", ay bibigyan ng puntos ang grupo mula 1 hanggang 10. Ang mga puntos ng mga manonood ay hindi mabibilang, ngunit maaaring maka-impluwensiya sa iskor na ibibigay ng mga hurado.

Ang ika-apat na puwesto ng kumpetisyon ay walang katiyakang ibibigay sa isa sa tatlong mga grupo na hindi pumasa sa auditions, ngunit karapat-dapat pa ring mapalabas. Pagkatapos ng pagganap ng grupo, ang mga hurado ay magbibigay ng isang kolektibong oo o hindi sa grupo. Kung ang mga hurado ay magbibigay ng isang oo, ang grupo ay itinuturing na bahagi ng pangunahing paligsahan. Ang mga marka ng mga hurado sa pagganap ng grupo na isasama ay siyang gagamitin sa pagkalkula ng iskor ng grupo. Kapag hindi ang sinabi ng mga hurado, tuluyan nang mabubukod ang grupo mula sa pangunahing paligsahan. Ang bahagi na ito ay inalis noong iakalawang season. Sa ikatlong season, noong 16 Pebrero 2011 episode, ang nasabing bahagi ay ibinalik ngunit walang mga random selection, sa halip, ang grupo ay awtomatikong magatatanghal sa entablado.

Ang pangkat na may pinakamataas na average ng mga puntos mula sa mga hurado ang siyang tatanghaling panalo at magpapatuloy sa weekly finals. Lahat ng mga nanalo sa buong linggo ay muling magahaharap sa weekly finals. Sino man ang mananalo sa weekly finals ay makakakuha ng pagkakataong lumahok sa monthly finals. Panghuli, ang lahat ng mga mananalo sa monthly finals ay maglalabanlaban sa grand finals.

Ang ikaapat na season ng kumpetisyon ay naging bukas para sa lahat ng may talento. Hindi lamang mga grupo angmaaring sumali. Bukas na ang kumpetisyon ay para sa mga Solo, Duo, at Trio performers. Ginawaran din ng isang 1st runner-up ang ikalawang pinakanakakaaliw na pagganap. Ang 1st runner-up ay naguuwi dalawampung libong piso.

Mga Hurado

baguhin

May limang hurado na siyang naatasang magbigay ng puntos sa lahat ng mga nagtatanghal mula Lunes hanggang Sabado. Sampung puntos ang pinakamataas na iskor na maaring ibigay ng isang hurado habang isang puntos naman ang pinakamababa. Si Vice Ganda lamang ang tanging hurado na maaaring magpakita ng kanyang ibinigay puntos pagkatapos ng pagganap.

Sa pagtatapos ng linggo, isa o higit pang mga hurado ay ang magiging burado o matatanggal. Sa bahaging ito na tinatawag na Hurado o Burado (lit. "Judge o Erased"), ang mga manonood ang siyang may kakayahang bumoto para mapatanggal ang isa o higit pang hurado sa pamamagitan ng SMS o pagboto gamit ang balota para sa mga studio audience. Ang hurado na makakakuha ng dalawampu't limang bahagdan o higat pa ng kabuuang boto,ay siyang maatatanggal. Si Vice Ganda (bilang isang permanenteng hurado) ay ang tanging hurado na hindi puwedeng matanggal.

Simula noong 30 Mayo 2011, sinumang nagnanaiis maging hurado ay maari nang mag-audisyon upang maging hurado na tinatawag na "Madlang Hurado". Ang kauna-unahang "madlang hurado" ay ang dating lumahok sa Showtime na si R-Dawn na naitampok din sa espesyal na pagpapalabas noong kuwaresma.

Mga Pinakamatagal na Naging Hurado

baguhin
  • Ryan Bang - 33 linggo
  • Jhong Hilario - 30 linggo
  • Gladys Reyes - 15 linggo
  • Karylle - 13 linggo
  • Andrew E. - 10 linggo
  • Dimples Romana - 7 linggo
  • Georgina Wilson - 7 linggo
  • Amy Perez - 6 linggo
  • Nikki Gil - 6 linggo
  • Kaye Abad - 5 linggo

Proseso ng Kompetisyon

baguhin

Ang mga nagwawagi araw-araw ay tutuloy sa weekly finals. Ang mga mananalo rito ay dideretso sa ay isa monthly finals. At ang mga magwawagi rito ay nakikipagkompetensiya sa Grand Finals.

Grand finals

baguhin

Season 1

baguhin

Noong 24 Hulyo 2010 ginanap ang unang Grand Finals Showtime ng sa Ynares Center sa Antipolo City. Ibinalik ng programa ang 38 ang dating hurado. Sa kabuuan, 40 na mga huruda ang binuo (kabilang ang si Vice Ganda at ang dating nananatiling hurado na si Jhong Hilario) upang magdesisyon kung sino sa labing isang grand finalists ang magiging unang Grand Champion ng Showtime. Sa dulo ng kompetisyon, ang grupong XB Gensan na nagkamit ng average na marka na 9.875 ang nanalo ng premyo na isang milyong piso at tinanghal na unang Grand Champion ng Showtime.[1]

Season 2

baguhin

Ang Season 2 Grand Finals ay ginanap noong 18 Disyembre 2010 sa Studio 2 ng abs-CBN. Si Vice Ganda kasama ang 20 na dating hurado (kabilang ang tatlong nananatiling hurado na sina Ryan Bang, Karylle at Mickey Ferriols) ng season 2 ang naatasan na gumawa ng mahirap pagpili ng ikalawang Grand Champion ng Showtime. Sa huli, ang grupo ng Laoag City Gymnastics Group ang nanalo ng isang milyong piso at naging ikalawang Grand Champion ng Showtime. Nagkamit ng average na marka na 9.86 ang grupo.[2][3]

Season 3

baguhin

Ang Season 3 Grand Finals ay ginanap naman noong 14 Mayo 2011 sa Ynares Center, Antipolo City. Kasama ni Vice Ganda ang 24 na dating hurado (kabilang ang dalawang nananatiling hurado na sina judges Ryan Bang and Kiray) noong season 3 sa mahirap na pagpili ng magiging iakatlong Grand Champion ng Showtime. Ang grupong True Colors ang siyang nagwagi ng dalawang milyong piso at tinanghal na ikatlong Grand Champion ng Showtime. Nagkamit ng average na puntos na 9.92 ang nasabing grupo.[4]

Mga Paglilibot

baguhin

Ang lahat ng bumubuo sa programang Showtime ay nagpunta sa Cebu at doon ginanap ang kompetisyon noong Pebrero 1-6, 2010. Samantala, ang botohan para sa "Hurado o Burado" ay pansamantalang itinigil dahil nagkaroon ng mga panauhing hurado na sina Sheryn Regis at Gab Valenciano.

Isang espesyal na programa naman ang pinalabas upang ipakita ang One Kapamilya Go sa Great America in Santa Clara, CA na ginanap noong 12 Setyembre 2010 ngunit eksklusibong ipinalabas noong 17 Oktubre 2010 sa The Filipino Channel. Espesyal din ang mga naging hurado dito na binuo nina Angelica Panganiban, Pooh, Gelo ng Barangay USA, Michael Copon, at Vice Ganda.

Mga Espesyal na Paghahandog

baguhin

Edisyon Para sa mga Bata

baguhin

Ang linggong ito ay pinalabas para sa mga bata at tinawag na "Showtime: Kids Edition". Noong linggong ito, tanging mga grupo ng mga bata ang nagtangahal at ang mga manonood rin sa studio ay mga kapwa nila bata. Para sa edisyon na ito, isinama sila Sharlene San Pedro at Nash Aguas sa hanay ng mga hurado at pansamantalang itinigil din ang botohan sa pagtatanggal ng hurado. Sa katapusan ng linggo, ang mananalong kupunan ang siyang hihirangin Showtime Kids Edition Champion. Ang "Cea's Angels" ang tinanghal na kampeon ngunit hindi sila maaring tumuloy sa monthly finals. Noong Summer Special sa ikatlong season, muling ibinalik bilang hurado sila San Predro at Aguas kasama ang iba pang mga batang aktor sa Goin' Bulilit. Ang mga bata ang naging hurado sa isang linggong kumpetisyon ng mga batang grupo sa programa na ipinalabas noong Abril 4-9,2011.

Espesyal na Bahagi para sa Pagdiriwang na Kuwaresma

baguhin

Parang normal na linggo lang ito na may iba't ibang grupo ngunit espesyal ang mga hurado na sina Mocha, Phoemela Barranda, Richard Merck, at Jay Durias.

Wildcard Week

baguhin

Sa linggong ito binibigyan ng isa pang pagkakataon ang mga magagaling na grupo na hindi nakapasok sa monthly finals o mga natalo sa monthly finals para muling pumasok sa kompetisyon at makuha ang huling posisyon sa Grand Finals. Sa linggo rin na ito nagagawang magpalit ng mga pangunahing host, maliban kay Vice Ganda, ng mga papel na ginagampanan sa programa,

Noong unang season, nagawang maging hurado nila Vhong Navarro, Anne Curtis, at Kim Atienza habang sila Jugs at Teddy naman ang mga naging host at ang nananatiling hurado noon na si Jhong Hilario ang nagpapakilala sa mga grupong kasali sa paligsahan. Nauwi ang Wildcard Week Finals noong 23 Hulyo 2010 sa isang tabla sa pagitan ng XB Gensan at Boyz Unlimited Dancers.

Sa ikalawang season naman, sila Vhong Navarro, kim Atienza, at Jhong Hilario ang mga tumayong hurado habang sila Jugs at Teddy ang nag-host. Ang dating hurado naman na si Bianca Manalo ang nagpapakilala sa mga grupo. Si Anne Curtis na bumalik noong Miyerkules ng linggong iyon ay hindi nagpalit ng papel na ginagampanan. Ngunit, noong Huwebes at Biyernes, naging hurado na ito bilang pamalit kay Vhong Navarro na lumiban sa mga araw na iyon. Natapos ang linggo kung saan nakamit ng Ground Zero ang huling puwesto sa Grand Finals noong 17 Disyembre 2010.

Sa ikatlong season, sinamahan ni Vice Ganda bilang host si Vhong Navarro habang sila Karylle, Kim Atienza, Jugs at Teddy, at Anne Curtis ang nagsilbing mga hurado. At sa pagtatapos nito noong 13 Mayo 2011, muling nauwi sa tabla sa pagitan ng The Next Level Octomix Dancers at ng Street Noize ang mga huling puwesto sa Grand Finals.

Unang Anibersaryo

baguhin

Ang espesyal na kabanata na ito ay ang pagdiriwang ng isang taong anibersaryo ng programa. Ang mga kalahok sa paligsahan ay ang mga pangunahing host, mga dating hurado, at marami pang panauhin. Kasama sa grupo nila Jugs at Teddy sina Yeng Constantino, Marc Abaya, at Kean Cipriano habang kabilang sa kupunan ni Kim Atienza sina Alessadra De Rossi at Gloc 9. Kasapi naman ni Anne Curtis ang mga mang-aawit na sina s Robert Sena, Led Sobrepena III at Bugoy Drilon samantalang kakampi naman ni Vhong Navarro ang mga mananayaw na sina Jhong Hilario, Archie Alemania, Izzy Canillo at Bugoy Carino. Kasama naman ni Vice Ganda ang mga beauty queens na sina Precious Lara Quigaman at Miriam Quimbao. Espesyal na grupo ng mga hurado rin ang namili na kinabibilangan ng mga dating hurado na sina Gladys Reyes, Gary Valenciano, Luis Manzano, Arnel Pineda, at ng Kimerald loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Sa huli, hinirang na kampeon ang grupo nila Jugs at Teddy.

Espesyal na Linggo Para sa Pasko

baguhin

Upang paggunita sa kapaskuhan, isang espesyal ang inihanda ng programa kung saan ang mga pagganap ay dapat may tema ng Pasko. Espesyal din ang mga hurado na binubuo nina Marc Logan, Venus Raj, Ai-ai Delas Alas, at Kris Aquino. Sa katapusan ng linngo na ipinalabas noong bisperas ng Pasko, hinirang ang grupo ng mga kababaihan na Ephesians bilang mga nanalo.

Mga Pinakamahusay sa Showtime

baguhin

Bilang pagtatapos ng taon, isang espesyal na pinangunahan nga mga pangunahing host ay ipinalabas. Ipanapakita rito ang mga pinakamagagaling at mga pinakakatawang pangyayari at mga pagtatanghal ng mga kalahok, mga hurado, mga host, at mga panauhin mula pa sa simula ng programa.

All Star Barangayan

baguhin

Bilang pagbabalik ng programa sa orihinal nitong oras, binuksan ang kompetisyon sa mga grupo ng iba't ibang barangay. Isang espesyal na mga hurado rin ang napili na binuo nila Gus Abelgas, Ted Failon, Pinky Webb, at Karen Davila. Inumpisan ang kompetisyon noong 12 Pebrero 2011. Kasabay nito ay ang pagpapakilala sa dalawang bagong mga host ng programa na sina Billy Crawford at Karylle.

Summer Special

baguhin

Isang buwang pinagdiwang ng Showtime ang baksiyon at tag-init. Iba't ibang grupo sa bawat linggo. Sa unang linggo, grupo ng mga kababaihan ang mga naglalaban-laban samantalang ang mga hurado at ang mga manonood ay mga lalaki. Kabaliktaran naman ito ng ikalawang linggo kung saan grupo naqman ng mga kalalakihan ang nagpagalingan samantalang mga babaeng hurado at manonood naman ang humusga sa kanila. Sa ikatlong linggo naman ay puro bata ang lumahok at pati mga hurado at manonood ay mga bata. Sa mga sumunod na linggo naman ay labanan ng mga lalaki, babae, at mga bata. Ang monthly finals ay ginanap sa mismong pagtatapos ng espesyal.

Showtime: The Album

baguhin

Isang album na may parehong pangalan ang kanilang inilabas kasabay ng limang kanta at tampok ang mga pangunahing host ng pograma.[5][6]

  • Showtime Theme - Showtime cast
  • Magpasikat - Teddy Corpuz
  • Madlang People - Song created by DJ M.O.D.
  • Hari Ng Dance Floor - Vhong Navarro
  • We'll Get There - Anne Curtis

Mga Parangal

baguhin
  • 24th PMPC Star Awards for Television's "Best Talent-Search Program" (Nanalo)
  • 24th PMPC Star Awards for Television's "Best Talent-Search Program Host" – Vhong Navarro, Anne Curtis, Kim Atienza & Vice Ganda (Hinirang)

Sanggunian

baguhin
  1. [2]
  2. [3]
  3. [4]
  4. [5]
  5. [6]
  6. [7]
  1. http://www.phnoy.com/search/label/Showtime Naka-arkibo 2022-12-05 sa Wayback Machine.
  2. http://www.pep.ph/news/26274/XB-Gensan-dancers-are-named-1st-grand-champion-of--Showtime- Naka-arkibo 2011-11-15 sa Wayback Machine.
  3. http://www.pep.ph/guide/tv/7355/showtime-season-2-grand-finals-will-air-this-saturday-december-18 Naka-arkibo 2016-03-15 sa Wayback Machine.
  4. http://www.pep.ph/guide/tv/7365/laoag-city-gymnastics-group-named-grand-champion-of-showtime-season-2
  5. http://www.pep.ph/guide/tv/8151/true-colors-of-gensan-triumphs-in-showtime39s-all-star-barangayan-finals#39;s- Naka-arkibo 2011-05-21 sa Wayback Machine.
  6. http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/8872/Showtime-the-album-an-early-Christmas-treat.aspx Naka-arkibo 2011-11-14 sa Wayback Machine.
  7. http://www.starrecords.ph/album_details.asp?id=361
  8. http://www.showtime.com.ph Naka-arkibo 2019-05-21 sa Wayback Machine. Official website