Si Jaime Kardinal Sin (Agosto 31, 1928 – Hunyo 21, 2005, ipinanganak Jaime Lachica Sin sa New Washington, Aklan) ang arsobispo ng Maynila mula 1974 hanggang 2003. Siya rin ang lider ng People Power Revolution, nang pinatalsik ang mga dalawang Pangulong sina Ferdinand Marcos noong 1986 at Joseph Estrada noong 2001. Nagretiro siyang arsobispo ng Maynila noong Setyembre 15, 2003 at pumalit si Gaudencio Borbon Rosales bilang arsobispo. Siya ay may sakit at di siya makapunta sa halalan, nang binoto ang Papa Benito XVI. Siya ay dinala sa Rufino Cardinal Santos Medical Center noong Hunyo 19, 2005, dahil sa lagnat. Noong 6:15 ng umaga ng Hunyo 21, 2005, namatay si Jaime Kardinal Sin dahil sa sakit ng kidney sa Rufino Cardinal Santos Medical Center sa San Juan, Metro Manila, sa gulang na 76 (katulad sa yumaong senador Blas Ople) Ang sanhi ng kamatayan ni Jaime Cardinal Sin, ay katulad rin kay Papa Juan Pablo II.

Jaime Kardinal Sin, arsobispo ng Maynila, Pilipinas (1974-2003)

Madalas pinagkatuwaan ng kaniyang mga kabayan at ng kardinal mismo ang kaniyang di-pangkaraniwang pangalan—tumutukoy sa Inggles ang cardinal sin sa seven deadly sins ng Katolisismo—at mismong nakisali si Sin sa mga katatawanang ito. Madalas niyang tinutukoy ang kaniyang tirahan bilang “the house of Sin.”

Sinundan ni:
Rufino Kardinal Santos
Arsobispo ng Maynila
(1974–2003)
Humalili:
Gaudencio Kardinal Rosales

Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.