Si Blas F. Ople (3 Pebrero 1927 - 14 Disyembre 2003) ay isang dating senador ng Pilipinas. Siya rin ang kalihim ng Department of Foreign Affairs mula 2002 hanggang sa kanyang kamatayan sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Noong 13 Disyembre 2003, Nagkaroon ng emergency landing sa Paliparang Pandaigdig ng Chiang-Kai-Shek sa Taiwan ang sinasakyan niyang eroplano nang inatake siya sa puso. Namatay siya sa isang ospital sa Taipei noong 14 Disyembre 2003. Siya ay 76 taong gulang.

Blas Ople
Kapanganakan3 Pebrero 1927[1]
  • (Bulacan, Gitnang Luzon, Pilipinas)
Kamatayan14 Disyembre 2003
  • (Taiwan)
LibinganLibingan ng mga Bayani
MamamayanPilipinas
NagtaposPamantasang Manuel L. Quezon
Trabahodiplomata, mamamahayag, politiko
OpisinaPangulo ng Senado ng Pilipinas (29 Hunyo 1999–12 Hulyo 2000)
Pangulong pro tempore ng Senado ng Pilipinas (10 Oktubre 1996–29 Hunyo 1999)
Kalihim ng Ugnayang Panlabas (16 Hulyo 2002–14 Disyembre 2003)
Kalihim ng Paggawa at Empleyo (1972–25 Pebrero 1986)
Kalihim ng Paggawa at Empleyo (16 Setyembre 1967–1971)
AnakSusan Ople

Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. http://www.philstar.com/nation/2014/02/02/1285608/its-non-working-holiday-bulacan-tomorrow.