James Francis Smith
Si James Francis Smith (Enero 28, 1859 – Hunyo 29, 1928) ay isang Amerikanong Brigadier General, associate justice ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas, Gobernador-Heneral ng Pilipinas, at isang associate judge of the U.S. Court of Customs Appeals hanggang sa kanyang kamatayan.
Serbisyong hukumang pederal
baguhinSi Smith ay hinirang ni Pangulong William Howard Taft noong Marso 9, 1910, sa United States Court of Customs Appeals (na kalaunan ay United States Court of Customs and Patent Appeals), sa isang bagong Associate Judge na pinahintulutan ng 36 Stat. 11.[1] Kinumpirma siya ng Senado ng Estados Unidos noong Marso 30, 1910, at natanggap ang kanyang komisyon nang araw ding iyon.[1] Ang kanyang serbisyo ay natapos noong Hunyo 29, 1928, dahil sa kanyang pagkamatay sa Washington, D.C.[1]