Santiago, anak ni Zebedeo

(Idinirekta mula sa James the Great)
Tungkol ito sa isang alagad ni Hesus, huwag itong ikalito kay Santiagong Makatarungan, ang sumulat ng Sulat ni Santiago sa Bagong Tipan ng Bibliya.

Si Santiago ang Nakatatanda o Santiago na Matanda[1] (Ingles: James the Elder, James the Greater, James, son of Zebedee) ay isang santo ng Romano Katoliko na naging isa sa mga unang labindalawang mga alagad ni Hesus. Kilala rin siya bilang Santiago ang Mas Dakila at Santiago, anak ni Zebedeo. Siya ang unang namatay bilang martir noong nasa Jerusalem.[2] Siya ay tinatawag na Santiago ang Mas Dakila upang itangi siya mula kay Santiago na anak ni Alfeo na kilala rin bilang si Santiago ang Kaunti.

James the Greater
Si Santiago ang Nakatatanda ni Rembrandt
He is depicted clothed as a pilgrim; note the scallop shell on his shoulder and his staff and pilgrim's hat beside him his symbol is also the carpenter saw.
apostol at martir
Ipinanganakhindi alam
Bethsaida, Galilea
Namatay44 CE
Hudea
Benerasyon saLahat ng denominasyon ng Kristiyanismo
KanonisasyonPrekongregasyon
Pangunahing dambanaKatedral ng Santiago de Compostela, Galicia (España)
Kapistahan25 Hulyo (Kristiyanismong Kanluranin)
30 April (Kristiyanismong Silanganin)
30 December (Simbahang Hispaniko)
KatangianKapis, Kupyáng peregrinal
PatronMga lugar
Acoma Pueblo, Sahuayo, Santiago de Querétaro, Galicia, Guatemala, Nicaragua, Guayaquil, Espanya, etc.
Professions
Mga Beterenaryo, Nangangabayos, furriers, tanners, botikero

Bagong Tipan

baguhin

Si Santiago ay inilalarawan bilang ang una sa mga alagad na sumama kay Hesus. Ayon sa mga ebanghelyo sinoptiko(Mateo 4:21-22, Marcos 1:19-20}} ay nagsaad na sina Santiago at Juan ay kasama ng kanilang ama sa baybay ng dagat nang tawagin sila ni Hesus upang sumunod sa kanya. Si Santiago ang isa sa tatlo lamang mga apostol na pinili upang makasaki ng transpigurasyon ni Hesus(Mateo 17:1-9, Marcos 9:2-8, Lucas 9:28-36). Ninais ni Santiao at kanyang kapatid na lalake na paulanan ng apoy ang isang bayan ng Samaritano ngunit sinaway sila ni Hesus(Lucas 9:51-56). Ang Mga Gawa ng mga Apostol 12:2 ay nagsaad na pinapatay si Santiago ni Herodes sa pamamagitan ng espada si Santiago. Kaya ayon sa tradisyon ng simbahan ay pinaniniwalaan siyang ang una sa mga 12 apostol na minartir para sa kanilang pananampalataya. Imungkahi ni Nixon na ang pagpatay kay Santiago ay sanhi ng maapoy na pagkamagagalitin ni Santiago[3] na nagbigay sa kanya at kanyang kapatid na lalake ng palayaw na Boarneges o "Mga Anak na Lalake ng Kulog"(Marcos 3:17).

Alamat sa Espanya

baguhin

Ayon sa sinaunang tradisyong lokal, noong Enero 2, 40 CE, ang Birheng Maria ay nagpakita kay Santiago sa bangko ng Ilog Ebro sa Caesaraugusta habang nangangaral sa Iberia. Siya ay lumitaw sa isang haligii Nuestra Señora del Pilar. Ang haliging ito ay iningatan at pinapipitaganan sa loob ng kasalukuyang Basilika ng Ating Babae ng Haligi sa Zaragosa, Espanya. Kasunod ng pagpapakitang ito, si Santiago ay bumalik sa Hudea kung saan ay pinugutan siya ni Herodes. Ang ika-12 siglong Historia Compostellana na kinomisyon ng obispong Diego Gelmírez ay nagbibigay ng isang buod ng alamat ni San Santiago. Una si Santiago ay nangaral sa Iberia gayundin sa Banal na Lupain. Ikalawa, pagkatapos ng kanyang pagkapatay, dinala ng kanyang mga alagad ang kanyang katawan sa dat sa Iberia kung saan sila lumapag sa Padrón sa baybayin ng Galicia at dinala ito sa loob na lupain para ilibing sa Santiago de Compostela. Ang isa pang mas kalaunang alamat ay nagsasaad na milagroso siyang lumitaw upang lumaban para sa hukbong Kristiyano sa Labanan ng Clavijo at mula noon ay tinawag na Matamoros(tagapaslang ng Moro). Ang Santiago y cierra España ay naging tradisyonal na sigaw ng labanan para sa mga hukbong Espanyol. Ang tradisyong ay itinatakwil ng maraming mga skolar. Gayunpaman, ito ay ipinagtanggol ng mga Bollandista(kanilang Acta Sanctorum, July, VI and VII). Ang mungkahi ay sinimulang gawin mula ika-9 siglo gayundin ang kanyang pangangaral sa Iberia. Walang mas maagang tradisyon ang naglalagay ng paglilibing kay Santiago sa Hispania. Ang isang katunggaling tradisyon ay naglalagay ng mga reliko ni Santiago sa simbahan ng St. Saturnin sa Toulouse. Ang autentisidad ng mga relika sa Santiago de Compostela ay pinagtibay sa bula ng papa ni Papa Leo XIII na Omnipotens Deus noong 1 Nobyembre 1884. Ayon sa Ensiklopedyang Katoliko noong 1908,

Bagaman ang tradisyon na si Santiago ay nagtatag ng sedeng apostoliko sa Iberia, Espanya ay nasa taong 700 CE, walang tiyak na pagbanggit ng gayong tradisyon ang matatagpuan sa mga tunay na kasulatan ng mga sinaunang manunulat o sa mga sinaunang Konseho. Ang unang tiyak na pagbanggit ay noong ika-9 na siglo ni Notker na monghe ng St. Gall (Martyrologia, 25 Hulyo), Walafrid Strabo (Poema de XII Apostoli), at iba pa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Sulat ni Santiago, mula sa paliwanag hinggil sa tatlong Santiago na binabanggit sa Bagong Tipan ng Bibliya, at kung sino sa kanila ang sumulat ng Sulat ni Santiago na nasa Bagong Tipan ng Bibliya, pahina 1766". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "James the Elder, The Apostles, pahina 333". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. R. E. Nixon, "Boanerges," in J. D. Douglas (ed.), The New Bible Dictionary (London: The Inter-Varsity Fellowship, 1963), 1354.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.