Si Jan Swammerdam (ipinanganak sa Amsterdam noong Pebrero 12, 1637 - namatay noong Pebrero 17, 1680) ay isang Olandes na naturalista. Tumanggap siya ng edukasyon upang maging isang pangrelihiyong ministro, ngunit bumaling siya sa larangan ng medisina. Isa siyang tagapanimula sa paggamit ng mikroskopyo, at kaugnay nito, gumawa siya ng mahahalagang mga pag-aaral sa mga kulisap at anatomiya ng tao. Maaaring siya rin ang unang nakapuna sa mga pulang korpusel noong 1658. Nalathalang may dalawang bolyum o tomo ang kanyang pangunahing kalipunan ng mga paglalarawan at mga larawang iginuhit niya sa wikang Olandes na may salinwikang Latin noong 1737 hanggang 1738. Lumitaw ang mga lathalaing ito sa Ingles noong 1758 bilang Bible of Nature o "Bibliya ng Kalikasan".[1]

Si Jan Swammerdam.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Jan Swammerdam". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 568.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.