Japanese Spitz
Ang Japanese Spitz ay isang maliit at maputing balahibong aso na ipinakakasta sa Siberian Samoyed dahil sa kaliitan simula noong huling mga taon ng ika-19 siglo sa Hapon. Ipinakilala ito sa Estados Unidos noong dekada 1950. Kamukha nito ang Asong Amerikanong Eskimo at Alemanyang Spitz. Isa ito sa mga karaniwang inaalagaan dahil sa laki, anyo, at talino nito gaya ng marami pang maliliit na uri ng mga aso (e.g. Chow-chow, Pekingese, Maltipoo, at Cockapoo).
Japanese Spitz | ||
---|---|---|
Iba pang mga pangalan | ||
Nihon Supittsu | ||
Bansang pinagmulan | ||
Hapon | ||
Klasipikasyon at mga pamantayan ng lahi | ||
FCI: | Group 5 Section 5 #262 | Stds |
ANKC: | Pangkat 7 (Hindi pampalakasan) | Stds |
KC (UK): | Serbisyo | Stds |
NZKC: | Hindi pampalakasan | Stds |
Anyo
baguhinKaraniwang umaabot sa 15-20 libra (7-9 kg) ang timbang at nakakatayo ang isang matandang Japanese Spitz ng 11-13 pulgada sa kanilang pinakamataas na bahagi. Mayroon itong makapal na patong sa ilalim ng kanilang balat na kulay puti. Natatakpan ng mahabang buhok ang kanilang buntot at dala-dala nilang nakakurba sa ibabaw ng kanilang likod. Maikli ang kanilang balat sa kalahating ibaba ng kanilang mga binti at mabalahibo sa kanilang unang paa. Madaling alagaan ang lahing ito kumpara sa iniisip ng mga bagong nagmamay-ari nito. Bagaman mukhang mahirap alagaan ang balahibo nito, kapag nalagyan ito ng putik, pipitikin lamang niya ito kapag natuyo na at magmumukhang bago ang balahibo nito. Maliit at nakaturong patayo ang mga tenga nito at balisuso nang kaunti ang nguso nito. Maitim at pahiwas nang kaunti ang kanilang malaking biluhabang mata at maitim ang kanilang ilong at bibig. Hugis-kunyas ang mukha ng Japanese Spitz at sila ay mapili rin sa pagkain.
Lingks palabas at mga references
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.