Si Jean Sibelius (8 Disyembre 1865 – 20 Setyembre 1957) ay isang Pinlandes na kompositor. Isa siya sa pinakabantog na tao mula sa Pinlandiya at isa sa pinakamagiting na mga kompositor ng mga simponiya sa lahat ng kapanahunan. Ipinanganak siya sa isang panahon kung kailan maraming kapangyarihan ang Rusya sa Pinlandiya, kung kailan matindi ang pagsusumikap ng mga Pinlandes na mapanatili ang pag-iral ng kanilang kultura at kasarinlan. Maririnig ang pagkamakabansang ito mula sa karamihan ng kanyang mga tugtugin, natatangi na ang musikang pangkoro. Pagkaraan ng 1928, kaunti na lamang ang kanyang mga naging komposisyon. Namuhay siyang nakaretiro mula sa larangan ng tugtugin sa kanyang tahanan sa kanayunang Pinlandes.

Si Jean Sibelius.


TalambuhayPinlandiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Pinlandiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.