Si Jeroboam II (Hebreo: יָרָבְעָם‎, Yāroḇə‘ām; Griyego: Ἱεροβοάμ; Latin: Hieroboam/Jeroboam) ang anak at kahalili ni Jehoash ng Israel at hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) kung saan siya namuno ng 41 taon. Siya ay kakontemporaryo ni Amazias at Uzzias ng Kaharian ng Juda .[1] and Uzziah,[2]

Jeroboam II
Guhhit ni Jeroboam II ni Guillaume Rouillé sa kanyang Promptuarii Iconum Insigniorum
Kaharian ng Israel (Samaria)
Sinundan Jehoash ng Israel, ama
Sumunod Zecarias ng Israel, anak

Ayon kay William F. Albright siya ay naghari mula 786–746 BCE samantalang ayon kay E. R. Thiele ay kapwa pinuno ni Jehoash mula 793 hanggang 782 BCE at naging nag-iisang hari ng Kaharian ng Israel mula 782 hanggang 753 BCE.[3] Ayon sa 2 Hari 14:26-27, siya ay nagwagi laban sa mga Arameo, sinakop ang Damasco at pinalawak ang mga sakop ng Israel mula sa pagpasok ng Hamath hanggang sa dagat ng kapatagan.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bible 2 Kings 14:23
  2. Bible 2 Kings 15:1
  3. Edwin Thiele, The Mysterious Numbers of the Hebrew Kings, (1st ed.; New York: Macmillan, 1951; 2d ed.; Grand Rapids: Eerdmans, 1965; 3rd ed.; Grand Rapids: Zondervan/Kregel, 1983). ISBN 0-8254-3825-X, 9780825438257
  4. "Jeroboam II", Jewish Encyclopedia