Zecarias ng Israel
Si Zecharias (Hebreo: זְכַרְיָה Zəḵaryāh, na nangangahulugang "Inalala ni Yah"; tinawag ring Zacharias, Zacharias; Latin: Zacharias) ay hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) at anak ni Jeroboam II. Siya ay naging hari sa Samaria sa ika-38 taon ni Uzzias ng Kaharian ng Juda.(2 Kings 15:8) Ayon kay William F. Albright, siya ay naghari mula 746 BCE hanggang 745 BCE, samantalang ayon kay E. R. Thiele ay naghari mula 753 BCE hanggang 752 BCE.[1] Ayon sa 2 Hari 15:8-12, si Zecarias ay isang masamang tao gaya ng mga nakaraang hari ng Israel. Siya ay naghari lamang ng anim na buwan bago sunggaban ni Shallum ng Israel na kapitan ng hukbo ng Israel ang trono. Ito ay nagwakas sa dinastiya ni Jehu pagkatapos ng apat na henerasyon ayon sa 2 Hari 10:30.
Zecharias | |
---|---|
Paghahari | c. 752 BCE |
Buong pangalan | Zechariah ben Jeroboam |
Lugar ng kamatayan | Kaharian ng Israel (Samaria) |
Sinundan | Jeroboam II, ama |
Kahalili | Shallum ng Israel |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Edwin Thiele, The Mysterious Numbers of the Hebrew Kings, (1st ed.; New York: Macmillan, 1951; 2d ed.; Grand Rapids: Eerdmans, 1965; 3rd ed.; Grand Rapids: Zondervan/Kregel, 1983). ISBN 0-8254-3825-X, 9780825438257