JewTube
Ang JewTube ay isang libreng websayt para sa pagbabahagi ng mga bidyo na binubuo ng mga nilalamang nakaayon sa Hudaismo. Nag-aalok ito ng isang malawak na pagpipilian ng mga nalikhang bidyo para sa mga Hudyo. Ang JewTube ay itinatag ni Matthew Kwok, isang negosyante na nakabase sa Los Angeles, at ni David Abitbol, ang nagtatag sa Jewlicious.
Mga wikang mayroon | Ingles |
---|---|
May-ari | Matthew Kwok |
Pagrehistro | Maaari (kailangan upang mag-upload) |
Kasalukuyang kalagayan | aktibo |
Ang mga bumibisita sa websayt ay maaaring manood ng mga bidyo sa isang malawak na hanay ng mga nilalaman na may temang Hudaismo, na may mga paksa na sari-sari tulad ng mga pagkaing Hudyo at "kahaliling mga pagtatapos sa animasyon" ng pelikulang Borat ni Sacha Baron Cohen .[1]
Noong Setyembre 2007, hinamon ng Google ang isang kumpanya na nakabase sa New York, ang NetParty, dahil sa paggamit ng pangalang "JewTube", na batayan ng kanilang rehistradong tatak, dahil sa palagay nila ang pangalan ay masyadong magkatulad sa YouTube. Ang NetParty ay hindi nauugnay o kaakibat sa websayt na JewTube.[2] Matagumpay ang Google sa pagharang sa pagtatangka ng NetParty na gawing rehistradong tatak ang pangalan.
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ Amiram Barkat. "Seeking a skullcap for your dog? Try www.JewTube.com". Ha'aretz (Haaretz.com). 8 July 2007. Retrieved 26 August 2020.
- ↑ Elinor Mills: "Google: JewTube Is Not Kosher". The Huffington Post. 28 March 2008. Retrieved 26 August 2020.