Joachim Löw
Si Joachim Löw (Pagbigkas sa Aleman: [ˈjoːaxɪm ˈløːf], ipinanganak noong Pebrero 3, 1960) ay isang Aleman na nagretirong manlalaro ng futbol at kasalukuyang punong tagasanay ng Pambansang koponan ng futbol ng Alemanya. Noong 2014, ginabayan niya sa ang koponang Aleman sa World Cup sa Brasil kung saan nakamit ng koponan ang kampeonato .
Karera bilang manlalaro
baguhinSinimulan ni Löw ang kanyang karera bilang manlalaro ng futbol noong 1978, kung saan sumali siya sa SC Freiburg isang koponan sa 2. Bundesliga. Bumalik siya sa Freiburg ng dalawang beses (1982, 1985) at siya ay hinirang bilang ang manlalaro na nakakuha ng pinamaraming goal para sa nasabing koponan.[1] Noong 1980, si Löw ay sumali sa VfB Stuttgart sa Bundesliga, pero nagkaroon siya ng suliranin na itatag ang sarili bilang parte ng nagsisimulang pangkat at naglaro lamang sa apat na labanan.
Sa ediyong 1981–82, si Löw ay naglaro para sa Eintracht Frankfurt (24 na laro, limang goal), pero bumalik siya sa Freiburg sa sunod na taon Noong 1982–83, siya ang nakagawa ng walong goal sa 34 na laro, noong 1983–84 siya ay nakagawa ng 17 na mga goal sa 31 na laro sa 2. Bundesliga. Pagkatapos, siya ay bumalik sa Bundesliga kasama ng Karlsruher SC, pero siya ay nakagawa lamang ng dalawang goal sa 24 na laro. Pagkatapos noon, siya ay bumalik muli sa Freiburg pagkatapos ng apat na tao at naglaro sa 116 na laro at gumawa ng 38 na goal. Tinapos ni Löw ay kanyang karera sa paglalaro sa Suwisa, kung saan naglaro siya para sa FC Schaffhausen (1989–1992) at FC Winterthur (1992–1994).
Naglaro si Löw ng apat na beses para sa pambansang koponan ng Alemanya para sa mga 21 gulang pababa.
Karera bilang Tagsasanay
baguhinMaagang karera
baguhinSinimulan ni Löw ang kanyang karera bilang isang tagasanay bilang isang tagasanay ng mga kabataan para sa FC Winterthur habang siya ay aktibo pa bilang isang manlalaro. Noong 1994–95, nanilbihan siya para sa FC Frauenfeld bilang isang manlalarong tagasanay.
VfB Stuttgart
baguhinNoong 1995–1996, siya ay nanilbihan bilang katulong na tagasnay ng VfB Stuttgart kasama ng punong tagasanay na si Rolf Fringer. Nang ipinangalang bilang punong tagasanay si Fringer ng pambansang koponan ng Suwisa, si Löw ay ginawang tagapangalagang tagasanay noong Agosto ng 1996 at mamayang ipinangalan bilang punong tagasanay. Kasama ng mga itinuring "Magic triangle" (Tagalog:Mahiwagang Taksulok) - ang mga manlalarong sina Krasimir Balakov, Giovane Élber, at Fredi Bobic, ang koponan ay naging matagumpay at ipinalo ang 1996–97 DFB-Pokal. Sa susunod na taon, ang kanyang koponan ay nagtapos sa ika-apat na puwesto sa Bundesliga at naabutan ang final ng Kopa ng Europa Kopa ng mga Nanalo, ngunit natalo sila laban sa Chelsea ng 0–1.
Fenerbahçe
baguhinIniwanan ni Löw ang Stuttgart noong Hulyo 1998 at nanilbihan sa Fenerbahçe isang koponan Turko. Noong October 1999, siya ay naging tagasanay ng Karlsruher SC, ngunit di niya napigilan ang pagbaba ng koponan sa ikatlong dibisyon at siya ay sinisante. Noong Disyembre 2000 hanggang March 2001, bumalik si Löw sa Turkiya at naging tagasanay ng Adanaspor, pero siya ay nasisante rin dahil sa pangit na kinalabasan.
Tirol Innsbruck
baguhinNoong Oktubre 2001, si Löw ay naging tagasanay ng Tirol Innsbruck at ginabayan niya ang koponan sa Kampeonatong ng Austria noong 2002. Sa parehas na taon, and koponan ay napilitang magdeklara ng pagkalugi at nalikida. Wala ulit trabaho si Lö. Ang huling trabaho niya bilang tagasanay ng isang kapisanan ng futbol ay sa FK Austria Wien (June 2003 – March 2004).
Pambansang Koponan ng Alemanya
baguhinKatulong na Tagasanay
baguhinNang sinundan ni Jürgen Klinsmann si Rudi Völler bilang tagasanay ng Alemanya pagkatapos ng nakahihinayang na kampanaya sa Euro 2004, ipinanglan ni Klinsmann si Löw bilang katulong na tagasanay. Nagkakitaan sila Klinsmann at Löw ng ilang mga nakaraang taon sa isang paaralang pangtagasanay. Parehas sila na naniniwala sa futbol na nakatutok sa pagatake. Sa kanilang paninilbihan, Ang koponan Alemanya sa ilalim nila Klinsmann at Löw ay naabutan ang semi-final ng 2005 FIFA Confederations Cup at 2006 FIFA World Cup.
Natalo ang Alemanya ng 2–3 sa Brasil sa semi-finalng 2005 Confederations Cup. Tinalo ng Alemanya ang Mehiko 4–3 sa labanan para sa ikatlong puwesto. Ang pilosopiyang nakatutok sa pagatake nila Klinsmann at Löw ay nagdulot sa pagawa ng Alemanya ng pinakamaraming goal sa lahat ng mga kasaping koponan sa paligsahan (15 na goal sa 5 na laro).
Ipinanalo ng Alemanya ang una nilang laban sa 2006 FIFA World Cup noong Hunyo 9 sa Munich. Nanalo sila ng 4–2 laban sa Costa Rica. Ipinanalo nila ang kanilang laban sa Poland ng 1–0 dahil sa natatanging goal na nagawa sa nahuhuling mga minuto ng laro at nanalo rin ang koponan ng 3–0 laban sa Ecuador pagkatapos ng laban sa Poland. Tinalo ng Alemanya ang Sweden sa Labanan ng 16 na bahagi kung saan gumawa ng dalawang goal si Lukas Podolski, na sinundan ng laban sa Arhentina. Sa bahaging penalty pagkatapos ng isang tablang 1–1 sa pagwawakas ng dagdag na oras, binigyan ng tagasanay na tauhan si Jens Lehmann ng isang nakahandang listahan ng mga posibleng mga tagagawa ng penalty ng koponang Arhentino at ang kanilang mga mas gustong paraan ng pagshoot, na inulat na nakatulong sa pagpanalo ng Alemanya laban sa Arhentina sa quarterfinal. Ang semifinal laban sa Italya ay nauwi sa kabiguan, kung saan natalo ang mga punong abala ng 0–2 pagkatapos marating ang ika-119 na minuto ng dagdag na oras kung saan ang puntos ay 0–0 pa lamang. Ngunit, nakabawi ang Alemanya laban sa Portugal sa labananan upang matukoy ang ikatlong puwesto.Nanalo ang koponan ng 3–1 kasama dito ang dalawang goal ni Bastian Schweinsteiger.
Maliban sa pagtutok sa pagatake sa futbol at pagunlad ng futbol ng mga kabataan, ang mga tauhan ni Klinsmann ay ipinakilala ang isang alternatinong B na koponan: ang Team 2006, para magexperimento ng mga bagong manlalarong nais makapasok sa pambansang koponan na maglalaro sa World Cup na gaganapin sa Alemanya. Ipinakilala rin ang mas bihasa na tagasanay sa kalusugan, kasama rin si Oliver Bierhoff bilang "Tagapangasiwa ng Negosyo" – ang trabaho na ito ay umiikot sa pangrelasyong pampubliko, general na pangangasiwa at iba pang walang direktang kinalaman sa pagsasanay - at isang tagasanay sa pangkaisipan na si Dr. Hans-Dieter Hermann, ang may trabaho na ihanda ang mga manlalarong Aleman para sa mga nakakastress na sitwasyon sa mga mahahalagang torneyo.
Punong Tagasanay
baguhinEuro 2008
baguhinNoong 13 July 2006, pagkatapos na hindi baguhin muli ni Klinsmann ang kanyang kontrata, si Löw ang pinanglananag bagong punong tagasanay ng Alemanya. Dalawang taon ang haba ng kontrata ni Löw at ibinalita niya na nais niyang ipagpatuloy ang pilosopiya ni Klinsmann na magtutok sa pagatake sa paglaro ng futbol. Ikinabahala ni Löw ang oras ng binibigay ng mga manlalaro sa bola sa paglalaro bago ito ipasa sa ibang manlalaro. Sa kanyang pamamahala, ito ay lubhang nabawasan na nagdulot ng pagbilis ng paglalaro ng mga Aleman. Ipinalano ni Low na panaluhin ang Euro 2008. Ang unang niyang laro bilang punong tagasanay ay isang friendly laban sa Sweden sa Gelsenkirchen noong Agosto 16, 2006, na pinanalo niya ng 3–0 kung saan si Miroslav Klose ang gumawa ng dalawang goal para sa Alemanya at si Bernd Schneider ang gumawa ng isa.
Matagumpay ang naging kampanya ni Löw paligsahan pangkwalipika sa Euro 2008 matapos magwagi an Alemaya Republika ng Ireland at San Marino. Noong Oktubre 7m 2006, nanalo ng 2–0 ang Alemanya laban sa Georgia sa Ostseestadion sa Rostock, ang ika-apat na tagumpay para kay Löw at ang kanyang pangkat. Ito ay itanaguriang pinakamagandang simula para sa isang bagong punong tagasanay ng Alemanya. Ang talaan na ito ay mas pinanalig sa limang panalo pagkatapos manalo ang koponan ng 4–1 laban sa Slovakia sa Bratislava noong Oktubre 11. Ang natatanging goal ng mga Slovak ang unang goal na hinayaan ng koponan sa ilalim ng pamumuno ni Löw.
Nasira ang perpektong talaan ni Löw's noong Nobyembere 15 nang magtabla ng 1–1 ang Alemanya sa Cyprus sa Nicosia. Ang unang talo ni Löw bilang punong tagasanay ay nangyari sa ika-walong laro na ginanap noong Marso 28, 2007, gamit ang isang experimental na pangkat ng 0–1 laban sa Denmark. Nang naitiyak ang pagkasali ng koponan sa Euro 2008, ang talaan ng mga laro ni Löw ay 11 na pagkapanalo, isang talo, at isang tabla mula sa 13 na laro na may 41:6 na diprensya sa bilang ng goal, kasama dito ang unang panalo laban sa Inglatera sa bagong estadyo sa London ang Wembley Stadium.
Sa Euro 2008 tinalo ng Alemanya ang Poland ng 2–0 sa una nitong laro, na may dalawang goal galing kay Lukas Podolski. Natalo ang Alemanya ng 1–2 ng Croatia sa ikalawang laban. Sa huling laban ng bahaging pangpangkat laban sa Austria, si Löw kasama ng kanyang Austriyanong na kapilas na si Josef Hickersberger ay ipinaalis sa kanilang kintatayuan ng referee na si Manuel Enrique Mejuto Gonzalez dahil sa pakikipagtalo sa ika-apat na opisyal. Pagkatapos ng kanyang pagpapaalis, nakita siyang nakikipagusap sa Kansilyer ng Alemanya na si Angela Merkel ukol sa nangyari. Nanalo ang Alemanya ng 1–0 dahil sa goal mula kay Michael Ballack para pumunta ang koponan sa quarter final. Pinaltan ni Löw ang sistemang 4–4–2 pagkatapos ng bahaging pangpangkat sa sistemang 4–2–3–1, at hindi naisama si Mario Gomez sa nagsisimulang pangkat. Kahit na napilitang manuod mula sa bangko si Gomez, tinalo ng kanyang koponan ang Portugal ng3–2. Sa quarter final pinagbawalan si Löw na gabayan ang koponan kahit na mula sa tawag ng telepono. Ibinunyag ni Löw na nagusap siya sa kanyang katulong na si Hansi Flick ukol sa pitong iba't ibang mga possibleng mangyari para maiwasan ang pagdomina ng Portugal.[2] Sa semi-final tinalo ng Alemanya ang Turkiya ng 3–2. Natalo ng 0-1 ang Alemanya sa Espanya sa huling laro noong Hunyo 29, 2008.
2010 World Cup
baguhinNakasali ang Alemanya para sa World Cup sa Timog Aprika matapos na maipanalo ang lahat ng mga laro nito sa paligsahang pangkwalipika para sa World Cup. Sa kanilang mahalagang laro noong Oktubre 10, 2009, naitiyak ng Alemanya ang kanilang lugar sa unang puwesto sa kanilang pangkat na pangkwalipika para sa 2010 World Cup matapos matalo ang nasa ikalawang puwesto na Rusya ng 1–0 sa Moscow, na nagdala sa koponan ni Guus Hiddink sa playoff.
Sa 2010 World Cup, ipinakilala ni Löw ang mga batang manlalaro at isinaayos ang ikalawang pinkabatang koponan ng torneyo, ang pinakabata ng Alemanya mula noong 1934. Nagtapos sa unang puwesto ang Alemanya sa Pangkat D at nakipagsapalaran sa Inglatera sa unang laban ng bahaging eliminasyonat tinalo ang koponan ng 4–1 bago ito talunin ang Arhentina ng 4–0 sa quarterfinal. Natalo ang Alemanya sa Espanya ng 1–0 sa semifinal.[3] Noong Hulyo 10, 2010, tinalo nila ang Uruguay ng 3–2 upang makuha ang ikatlong gantimpala sa 2010 World Cup.[4]
Euro 2012
baguhinNakasali ang Alemanya para sa Euro 2012 nanag makamit ang unang puwesto ng kanilang pangkat na pangkwalipika na may sampung panalo at walang talo o tabla. Habang ang kampanyang pangkwalipika pumirma si Löw ng bagong kontrata para manatili bilang tagasanay ng Alemanya hanggang 2014.[5] Sa Euro 2012, nakamit ng Alemanya ang unang puwesto ng kanilang pangkat sa bahaging pangpangkat, nang maipanalo nito ang lahat ng tatlong laro nito laban sa Portugal 1–0, Olandes 2–1 at Denmark 2–1. Sa quarter-final, tinalo ng Alemanya ang Gresya ng 4–2, pero sila ay nabigo sa semi-final ng matalo ng 1–2 sa Italya.[6]
2014 World Cup
baguhinSinimulan ng Alemanya ang kanilang kampanya sa 2014 FIFA World Cup ng may 4–0 na pagkapanalo sa Portugal. Naitabla ng Alemanya ng ang kanilang laban sa Ghana, ng 2–2.[7] Sa ikatlong laban, tinalo ng Alemanya ang Estados Unidos na ginagabayan ng dating punong tagasanay ng Alemanya na si Jürgen Klinsmann, 1–0, dahil sa kaisangisang goal galing kay Thomas Müller. Sa laro sa ikalawang bahagi laban sa Algeria, ang mga taktika ni Löw ay binatikos dahil sa madepensang tindig ng koponan na nagdulot na makalamang ang Algeria sa ilang sandali. Pero nanalo pa rin ang Alemanya ng 2–1 pagkatapos ng dagdag na oras. Ito nagtiyak ng laban sa Pransya sa quarter-final na tinalo ng mga Aleman ng 1–0.
Sa labananang semi final, tinambakan ng Alemanya ang Brasil ng 7–1 upang makarating sa huling laban ng torneyo. Ang kinalabasan ay ang pinakamalaking talo ng Brasil sa kasaysayan ng FIFA World Cup. Ginabayan ni Löw ang Alemanya sa kanilang ika-apat na titulo sa World Cup matapos matalo ang Arhentina ng 1–0 sa dagdag na oras sa huling laban ng paligsahan.[8]
Euro 2016
baguhinSinimulan ng Alemanya ang kanilang kampanya upang makasali sa Euro 2016 qualifying sa pamamagitan ng 2–1 na panalo laban sa Eskosas.[9] Pagkatapos natalo ang koponan sa Poland ng 2–0.[10] 28 ang naging mga shot ng Aleman sa laro at ito ay nagpadala sa kanila sa ika-apat na puwesto ng kanilang pangkat na pangkwalipika.[10] Tumbala ang Alemanya sa Republika ng Ireland ng 1–1 noong Oktubre 14, 2014.[11] Si John O'Shea ang gumawa ng goal na nagdulot ng tabla sa ika-apat na minuto sa oras ng pagkapigil.[11] Sa susunod na buwan, tinalo ng Aleman ang Gibraltar ng 4–0.[12] Noong Marso 13, 2015, pumirma si Löw ng pangpahaba ng kanyang kontrata hanggang 2018.[13] Noong Marso 19 2015, bingay niya si Holger Badstuber ng kanyang pagkatawag simula ng kanyang pagkapahamak sa isangfriendly laban sa Australya at sa labanang pangkwalipika para sa Euro 2016 laban sa Georgia.[14] Binigyan niya si Badstuber ng oras sa paglalaro sa pagkatabla ng 2–2 laban sa Australya.[15] Ito ang unang larong internasyunal ni Badstuber matapos huling maglaro sa 4–4 pagkatabla laban sa Sweden.[15] Ngunit napilitang ilabas si Badstuber sa laro laban sa Georgia dahil sa isang problema ukol sa hip flexor.[16] Noong Marso 29, 2015, tinalo ng Aleman ang Georgia ng 2–0.[17] Nanatili ang Alemanya sa ikalawang puwesto.[17] Noong Hunyo 10, 2015, sa isang larong friendly, natalo ang Alemanya ng 2–1 sa Estados Unidos.[18] Ito ang unang panalo ng Estados Unidos sa Alemanya.[18]
Personal na buhay
baguhinKasal si Löw kay Daniela simula noong 1986. Wala silang anak. Nagkita ang dalawa noong 1978 at nakipagdate ng walong taon bago magpakasal.[19]
Mga karangalang pangtagasanay
baguhin- VfB Stuttgart
- DFB-Pokal: 1996–97
- DFB-Ligapokal Ikalawang gantimpala: 1997
- UEFA Cup Winners' Cup Ikalawang gantimpala: 1997–98
- FC Tirol Innsbruck
- FK Austria Wien
- Austrian Supercup: 2003
- FIFA World Cup: 2014; Ikatlong gantimpala 2010
- UEFA Kampeonatong Europeo: Ikalawang gantimpala2008; Ikatlong gantimpala 2012[20]
Indibidwal
baguhin- Punong Tagasanay ng Taon ng Sport Bild: 2010
- Alemang Manlalarong Futbol ng Taon: 2011, 2014
- Alemang Punong Tagasanay ng Taon: 2014[21]
- Pandaigdig na Tagasanay ng Taon ng FIFA: 2014 FIFA Ballon d'Or: 2014
- Pandaigdigan Gantimpala ng Soccer Tagasanay ng Taon: 2014
- IFFHS Pinakamagaling na Pambansang Tagasanay ng Daigdig: 2014
- nze d'Or Tagasanay ng Taon: 2014
- L'Équipe Tagasanay sa Pangpalakasan ng Taon: 2010
- FIFA World Cup Dream Team: 2014
- Silbernes Lorbeerblatt: 2010, 2014
- Bundesverdienstkreuz am Bande: 2010
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Peter Martin (2004). Sport-Club Freiburg (pat.). Hundert Jahre 90 Minuten: Die Geschichte des SC Freiburg von 1904–2004. Freiburg.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) - ↑ Barclay, Patrick (22 Hunyo 2008). "Euro 2008: Cristiano Ronaldo's Manchester United posturing put into perspective". The Daily Telegraph. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Hulyo 2008. Nakuha noong 22 Hunyo 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Puyol heads Spain into final". ESPNsoccernet. 7 Hulyo 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2012. Nakuha noong 8 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ornstein, David (10 Hulyo 2010). "Uruguay 2–3 Germany". BBC Sport. Nakuha noong 14 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Joachim Löw extends contract with Germany until 2014 World Cup". The Guardian. London. 15 Marso 2011. Nakuha noong 27 Disyembre 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Germany beat Greece to reach Euro 2012 semifinals". The Times of India. 23 Hunyo 2012. Nakuha noong 25 Hunyo 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Ben (21 Hunyo 2014). "Germany 2 Ghana 2". BBC Sport. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'54, '74, '90 - 2014" (sa wikang Aleman). Süddeutsche Zeitung. 14 Hulyo 2014. p. 2. Nakuha noong 14 Hulyo 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Doppelter Müller sorgt für den geglückten Start" (sa wikang Aleman). kicker. 7 Setyembre 2014. Nakuha noong 13 Marso 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 Hummel, Thomas (12 Oktubre 2014). "Instinktlos im Post-WM-Blues" (sa wikang Aleman). Warsaw: Süddeutsche Zeitung. Nakuha noong 13 Marso 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 "90+4! O'Sheas Schocker sitzt in letzter Sekunde" (sa wikang Aleman). kicker. 14 Oktubre 2014. Nakuha noong 13 Marso 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gibraltar ist besser als Brasilien" (sa wikang Aleman). Süddeutsche Zeitung. 14 Nobyembre 2014. Nakuha noong 13 Marso 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Verlängerung fix! Löw bleibt bis 2018 Bundestrainer" (sa wikang Aleman). kicker. 13 Marso 2015. Nakuha noong 13 Marso 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hartmann, Oliver (19 Marso 2015). "Löw schenkt Podolski weiterhin sein Vertrauen" (sa wikang Aleman). kicker. Nakuha noong 30 Marso 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 15.0 15.1 Hartmann, Ulrich (25 Marso 2015). "Anfängerkurs voller Fehler" (sa wikang Aleman). Kaiserslautern: Süddeutsche Zeitung. Nakuha noong 30 Marso 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Badstuber und Bellarabi sind nicht an Bord" (sa wikang Aleman). kicker. 27 Marso 2015. Nakuha noong 30 Marso 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 Leslie, André (29 Marso 2015). "Germany cruise to win over Georgia in EURO 2016 qualifier". Deutsche Welle. Nakuha noong 29 Marso 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 18.0 18.1 "Wood winner lifts United States to historic victory in Germany". ESPN FC. 10 Hunyo 2015. Nakuha noong 10 Hunyo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World Cup's hottest coach: 10 things about Germany's star coach Joachim Loew". The Straits Times. 16 Hulyo 2014. Nakuha noong 21 Hulyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Habang walang laro para sa ikatlong puwesto, napagdesisyunan ng UEFA sa edisyong 2012 na bigyan ng mga nabigo sa semi-final (ang Alemanya at Portugal) ng medalyang tanso sa kauna-unahang beses. Ang mga tansong medalya ay dating ibinibigay sa mga nanalo sa isang laro para sa ikatlong puwesto, na ang huli ay ginanap noong 1980."Regulations of the UEFA European Football Championship" (PDF). 3.08: UEFA. p. 10. Nakuha noong 4 Hulyo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link) - ↑ "Trainer des Jahres 2014: Das Ergebnis" (sa wikang Aleman). kicker.de. 10 Agosto 2014. Nakuha noong 10 Agosto 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)