John Adams
Si John Adams (30 Oktubre 1735 (O.S. 19 Oktubre 1735) – 4 Hulyo 1826) ay isang Amerikanong Amang Tagapagtatag, manananggol, politiko, diplomata at teoristang pampolitika. Bilang isang kampeon ng kalayaan noong 1776, siya ang ikalawang Pangulo ng Estados Unidos (1797–1801). Nagbuhat sa Bagong Inglatera, si Adams na isang bantog na abogado at pigurang pampubliko ay may mataas na pinag-aralan at kumatawan sa mga pagpapahalaga ng Kamulatan na nagtataguyod ng republikanismo. Bilang isang Pederalista, napaka maipluwensiya niya at isa siya sa mga susing Mga Amang Tagapagtatag ng Estados Unidos.
Naging tanyag si Adams noong kaagahan ng mga hakbang ng Himagsikang Amerikano. Bilang isang delegado mula sa Massachussetts sa Kongresong Kontinental, gumanap siya ng pangunahing gampanin sa paghimok sa Kongreso na magpahayag ng kalayaan at kasarinlan at tumulong kay Thomas Jefferson sa pagbabalangkas ng Pagpapahayag ng Kalayaan. Bilang isang diplomata sa Europa, siya ang pangunahing tagapamagitan sa kasunduang pangkapayapaan sa piling ng Dakilang Britanya, at pangunahing responsable para sa pagkakamit ng mahahalagang mga inutang na salapi mula sa mga mambabangko ng Amsterdam. Bilang isang teoristang pampolitika at manunulat ng kasaysayan, malawakan ang naisulat ni Adams sa Konstitusyon ng Massachussetts noong 1780 na pagdakang nagwakas ng pang-aalipin sa Massachussetts, subalit nasa Europa noong ibalangkas ang Konstitusyong pederal hinggil sa kahalintulad na mga prinsipyo sa kahulihan ng dekada. Ang isa niyang pinaka dakilang naging mga gampanin ay bilang isang hukom ng katangian: noong 1775, ininomina niya sa George Washington upang maging punong komander, at pagkalipas ng 25 mga taon ay ninomina niya si John Marshall upang maging Punong Hukom ng Estados Unidos.
Ang mga kredensiyal na pangrebolusyon ni Adam ay nakapanigurado sa kaniya ng dalawang termino bilang pangalawang pangulo ni George Washington at ng sarili niyang pagkakahalal noong 1796 bilang ikalawang pangulo ng Estados Unidos. Sa panahon ng kanyang isang termino, nakaranas siya ng malulupit na mga pagsalakay ng mga Republikanong Jeffersoniano, pati na ng nangingibabaw na mga pangkatin sa sarili niyang Partidong Pederalista na pinamumunuan ng kanyang masaklap na kaaway na si Alexander Hamilton. Nilagdaan ni Adams ang kuntrobersiiyal na Alien and Sedition Acts o "Batas sa Dayuhan at Sedisyon", at binuo niya ang hukbong-kati at hukbong-dagat natatangi na sa harap ng isang hindi ipinahahayag na digmaang pandagat (tinatawag na "Quasi-War") laban sa Pransiya (1798–1800). Ang pangunahing hindi birong nagawa ng kanyang pagkapangulo ay ang mapayapang paglutas ng hidwaan sa harap ng pananalungat ni Hamilton.
Noong 1800, nagapi si Adam ni Thomas Jefferson para sa muli niyang pagkakahalal bilang pangulo. Nagretiro si Adama sa Massachusetts. Pagdaka niyang ipinanumbalik ang kanyang pagiging kaibigan ni Jefferson. Nagtatag siya at ang kaniyang asawang si Abigail Adams ng isang ganap na linya ng mga politiko, mga diplomata, at mga historyador na tinatagurian sa ngayon bilang mag-anak na pampolitika ng mga Adamas. Si Adams ang ama ni John Quincy Adams, ang ika-6 na Pangulo ng Estados Unidos. Ang kaniyang mga nagawa ay nakatanggap ng mas malaking pagkilala sa makabagong kapanahunan, bagaman ang kanyang mga ambag ay unang hindi naging ipinagdiriwang na hindi katulad ng sa iba pang Mga Amang Tagapagtatag ng Estados Unidos.