Si John Napier ng Merchistoun (1550 – 4 Abril 1617) - na lumalagda rin bilang Neper o Nepair - na may pangalang Marvellous Merchiston, ay isang Eskoses na matematiko, pisiko, astronomo, astrologo at ika-8 Laird ng Merchistoun, lalaking anak ni Sir Archibald Napier ng Merchiston. Higit siyang naaalala bilang ang imbentor ng mga logaritmo at mga buto ni Napier (Napier's bones sa Ingles)[2], at sa pagpapatanyag ng paggamit ng tuldok na desimal. Bahagi na ngayon ng Pamantasan ng Edinburgh ang pook ng kapanganakan ni Napier na Kastilyo ng Merchiston[2], kilala rin bilang Tore ng Merchiston, Edinburgo, Eskosya. Pagkaraang mamatay dahil sa piyo o gawt, inilibing si Napier sa Simbahan ni San Cuthbert, Edinburgo.

John Napier
Kapanganakan1 Pebrero 1550 (Huliyano)[1]
  • (Edinburgh, City of Edinburgh, Eskosya)
Kamatayan4 Abril 1617[1]
NagtaposUnibersidad ng St Andrews
Trabahoteologo, matematiko, astronomo, pisiko, imbentor, astrologo

Kaugnay ng mga logaritmo, upang mapapayak ang mga kalkulasyon o pagsusuma na gamit ang kanyang mga logaritmo, umimbento siya ng isang pangkat ng pangsuma o pangkalkulang mga bareta o panukat, o mas pangkaraniwang tinatawag na "mga buto ni Napier" na naging mga ninuno ng mga pantuwid o ruler na napapadulas.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb12353925j; hinango: 10 Oktubre 2015.
  2. 2.0 2.1 2.2 "John Napier". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng titik na N, pahina 430.

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya, Talambuhay at Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.