John Reynolds (astronomo)

Si John Henry Reynolds (1874-1949) ay isang Briton na astronomo na naglingkod bilang pangulo ng Royal Astronomical Society noong 1935 hanggang 1937 at nakilala sa kanyang gawa sa pag-uuri ng mga stellar bodies (mga bagay na malabituwin). Isang baguhan, siya ay ang anak na lalaki ni John Alfred Reynolds, ang Lord Mayor ng Birmingham, na nagmamay-ari ng isang kompanya ng pako. Noong 1899, sa edad na 25, siya ay inihalal bilang isang Fellow ng Royal Astronomical Society at noong 1907, binyaran niya ang pagpapatayo ng isang 30-pulgadang reflecting telescope sa Helwan, Ehipto, ang unang malaking teleskopyo na nag-aral sa mga bagay sa katimogang kalangitan. Siya rin ang gumawa ng isang 28-pulgadang teleskopyo sa Harborne. Ang mga larawan mula sa teleskopyo ni Reynolds ay ginagamit ni Gérard de Vaucouleurs sa kanyang sistema sa pag-uuri ng mga galaxy; inilathala rin ni Reynolds ang kanyang sariling pag-uuri ng mga spiral galaxy noong 1920. Madalas sumulat si Edwin Hubble kay Reynolds, at ang ilan sa kanyang mga natuklasan sa pag-uuri ng mga stellar body ay naging inspirasyon sa kanyang trabaho. Ang batas Hubble–Reynolds (Hubble–Reynolds law), isang formula sa pagsukat ng surface brightness ng mga elliptical galaxy, ay ipinangalanan sa kanila.

Mga sanggunian

baguhin