Jose Estella

Pilipinong kompositor at konduktor

Si Jose Estella (1870 - 6 Abril 1943) ay isang Pilipinong kompositor at konduktor na nakilala sa kanyang titulo bilang "Philippine Waltz King".[1] Bukod sa paglikha ng mga waltsa, naging isa rin siya sa mga pangunahing nag-ambag ng pag-localize ng mga zarzuelang Espanyol mula 1890s hanggang 1900s.[2]

Si Jose Estella mula sa isang libro noong 1924

Talambuhay

baguhin

Si Jose Estella ay isinilang sa Escolta, Maynila noong 1870. Pagkatapos mag-aral at makapagtapos sa Madrid Conservatory, bumalik siya sa Pilipinas at nagtuloy ng karera sa musika.  Sa Maynila at Cebu, nagsagawa siya ng ilang orkestra.  Sa Maynila, nagkaroon siya ng karera sa pagtuturo bilang piano instructor.  Ginugugol niya ang kanyang oras sa pag-aaral ng kasaysayan, pagbisita sa iba't ibang lalawigang Pilipino at pagtuklas sa lokal na katutubong musika.  Sa Cebu, siya ay direktor ng Municipal Band kung saan nagsimula siyang makilala.[3] Si Estella ay naging direktor din ng Rizal Orchestra, na itinatag noong 1898.[4]

Nasangkot si Estella sa isang kaso ng pleydyarismo noong 1939 kasama si Francisco Santiago  kung saan inirereklamo niya na kinopya ni Santiago ang kanyang Campanadas de Gloria.  Sa pagtatapos ng imbestigasyon, napag-alaman na pareho silang nakakuha ng inspirasyon mula sa iisang awiting bayan na pinangalanang "Leron Leron Sinta".[5]

Namatay siya noong Abril 6, 1943, at sa buong buhay niya, gumawa siya ng higit sa 100 waltzes kaya binigyan siya ng titulong, "Philippine Waltz King".[6] Walang impormasyon tungkol sa kanyang personal na buhay maliban sa mayroon siyang anak na lalaki na nagngangalang Ramon Estella, isang direktor ng pelikula.[7]

Mga sanggunian

baguhin

Mga pinagkunan

baguhin
  1. Santos, Ramon Pagayon. "Nationalism and Indiginization in Philippine Contemporary Music; An Accultured Response To Westernization" (PDF). University of the Philippines.
  2. "UP Madrigal Singers Sing José A. Estella's Bird Songs in Abelardo Hall". Journal of Philippine Music (sa wikang Ingles). 2014-09-29. Nakuha noong 2022-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bañas 1924, p. 114.
  4. Bañas 1924, p. 19.
  5. Castro, Christi-Anne (2011-03-28). "Composing for an Incipient Nation". Musical Renderings of the Philippine Nation (sa wikang Ingles). pp. 23–58. doi:10.1093/acprof:oso/9780199746408.003.0002. ISBN 978-0-19-974640-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "José Estella - sin80". www.sin80.com. Nakuha noong 2022-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Pareja, Lynn (2011-09-23). "Love and army life fascinated Ramon Estella". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-10-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga aklat

baguhin