Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus

(Idinirekta mula sa Josef Elizalde)

Ang Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus ay ang ikalawang edisyon ng pang-kabataan bersyon ng Pinoy Big Brother. Ito ay para sa mga kabataan mula labing-anim hanggang labing-siyam na taong gulang. Isa itong palabas sa Pilipinas. Nagsimula ito nuong Linggo ng pagkabuhay, 23 Marso 2008, at inaasahan itong maipapalabas hanggang sa Mayo ng nasabing taon, kung saan itinakdang magsisimula ang Pinoy Dream Academy: Season II.

Si Toni Gonzaga ay nagbabalik na host sa primetime; ito rin ang unang Teen Edition na siya ay naging host. Si Mariel Rodriguez, na dating host ng primetime Teen Edition ay nagbabalik rin bilang host ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus Über. Si Bianca Gonzalez muli ay ang host ng Update pagkatapos na siya ay maging host ng Über sa pangalawang Celebrity Edition; siya ay dating host ng Update nuong pangalawang regular na edisyon. Si Luis Manzano ay muling nagbabalik sa palatuntunan at alternatibong host sa primetime edition; dati siyang co-host sa live airing ng unang Celebrity Edition.

Tema ng bahay ni Kuya

baguhin

Ang primer ay nagbunyag ng bagong anyo sa loob ng bahay ni Kuya, na inilarawan ni Manzano na "funky, modern Moroccan design with more elegant and colorful furnishings". Ang dating hardin ay kinalalagyan na ngayon ng malaking swimming pool. Ang mga bagong housemates ay papasok sa bahay mula sa harap at hindi sa Eviction Hall na pinasukan ng mga housemates nuong pangalawang regular na edisyon at pangalawang Celebrity Edition.

At ang dating Activity Area ay kasalukuyang bagong parte ng bahay na tinatawag na "Plus Base". Mayroon itong bagong karagdagang kwarto, hardin, at jacuzzi; ito ay kasalukuyang okupado ng mga Guardians. Ang parte ng Eviction Hall ay tinanggal at isinaayos para sa bagong Activity Area.

Kawing Panlabas

baguhin