Si Joseph Raymond McCarthy (Nobyembre 14, 1908 – Mayo 2, 1957) ay isang politikong Amerikano na naglingkod bilang isang senador ng Partidong Republikano ng Estados Unidos mula sa estado ng Wisconsin mula 1947 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1957. Magmula noong 1950, si McCarthy ang naging pinaka nakikitang mukhang pampubliko noong panahon ng matinding pagsususpetsa laban sa komunismo na pinukaw ng mga pagkabahala noong panahon ng Digmaang Malamig.

Si Joseph McCarthy.

Gumawa siya ng mga pag-ako na mayroong isang malaking bilang ng mga espiya at tagapagtangkilik ng Komunismo at ng Unyong Sobyet sa loob ng pamahalaang pederal at sa iba pang mga lugar. Pinamunuan niya ang mga imbestigasyon sa paglaganap ng komunismo sa lipunang Amerikano at sa loob mismo ng pamahalaan ng Estados Unidos. Nasira ang kaniyang pangalan sa pagdaka dahil hindi siya makapagpasa ng mga ebidensiya hinggil sa kaniyang mga paratang na ito.[1] Sa paglaon, ang katagang "McCarthyismo," na naimbento noong 1950 bilang pagtukoy sa mga gawain ni McCarthy, ay ginamit din sa kahalintulad na mga pag-uusig na laban sa mga komunista.

Namatay si McCarthy dahil sa hepatitis.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R114.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Politika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.