Juana ng Arko
Si Santa Juana ng Arko (Pranses: Jeanne d’Arc, Ingles: Joan of Arc) (Enero[1] 1412 – 30 Mayo 1431) ay isa sa mga pambansang bayani ng Pransiya at isang Santo ng Simbahang Katoliko. Sa Mayo 30 ang araw ng kanyang pista.
Santa Juana ng Arko | |
---|---|
Birhen | |
Ipinanganak | c. 1412 Domrémy, Pransiya |
Namatay | Rouen, Pransiya | Mayo 30, 1431
Benerasyon sa | Simbahang Romano Katoliko |
Beatipikasyon | 18 Abril 1909, Katedral ng Notre Dame ni Pius X |
Kanonisasyon | 16 Mayo 1920, Basilika ni San Pedro, Roma ni Benedikto XV |
Kapistahan | Mayo 30 |
Katangian | Birhen |
Patron | Pransiya; mga martir; mga bihag; mga militante; people ridiculed for their piety; mga nasa bilangguan; mga sundalo; mga kababaihang itinalaga para sa mga kusang-loob na serbisyong pang-emerhensiy; Hukbo ng mga Kababaihan |
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Juana sa bayan ng Domrémy (ngayo'y Domrémy-la-Pucelle, o Domremy ng Dalagita), Pransiya noong Enero 6 o 16, 1412. Noong bata pa siya, naririnig na niya ang mga boses nina San Miguel Arkanghel, Sta. Katrina, at Sta. Margaret, at isinabi nang mga ito na ipagtanggol niya ang Pransiya mula sa pananakop ng mga Ingles. Sinundan niya ang utos ng mga tinig at nagbihis lalaki siya't sumapi sa Sandatahang Real ng Pransiya. Isa sa mga himalang nagawa niya ay kilalalin si Carlos, ang Dauphin (pagbigkas: DOfan) o prinsipe ng Pransiya na naging si haring Carlos VII. Sa isang okasyon, sa halip ng pagbihis ni Carlos sa karaniwan niyang mga damit bilang Dauphin ay nagdamit siya ng pangkaraniwang tao at nakipag-halubilo siya sa maraming tao. Kaagad-agad siyang nabuking ni Juana, at inalay ng dalagita ang kaniyang mga serbisyong pansandatahan sa Dauphin. Sa gulang na 17 taon, naging pinuno siya ng Sandatahang Real ng Pransiya at matagumpay na iniligtas ang lungsod ng Orleans mula sa mga Ingles.
Kamatayan at pagkasanto
baguhinHinuli siya ng mga kalaban niya at ibinenta sa mga Ingles at pagkatapos ng isang paglilitis, sinunog siya sa bayan ng Rouen nang dahil sa krimen ng heresiya at pagiging mangkukulam noong 30 Mayo 1431. Si Juana ay 19 taong gulang pa lamang noong siya'y ibinitay. Isa pang paglilitis ay isinagawa pagkatapos ng kamatayan ni Juana, at idineklara siyang walang sala noong 7 Hulyo 1456. Ginawa siyang Santa ng Simbahang Katoliko ni Santo Papa Benedicto XV noong 16 Mayo 1920.
Epekto
baguhinDagdag pa sa kaniyang pagiging Banal sa Simbahang Katoliko at patron ng ilang mga bagay-bagay, isa siyang pambansang bayani sa kaniyang katutubong Pransiya, at isang modelo para sa mga babae. Ang isang mahahalintulad dito kay Santa Juana ay si Gabriela Silang, binansagang "Ang Juana ng Arko ng Ilokos".
Mga tanda
baguhin- Artikulong Ingles na Joan of Arc
Mga kawing panlabas
baguhinNasa ibang wika ang mga sumusunod na mga kawi (karamihan sa Ingles):
- International Jeanne d'Arc Centre. Biography and Research
- CATHOLIC ENCYCLOPEDIA: St. Joan of Arc
- Catholic Online
- Short biography, IFrance.com Naka-arkibo 2008-07-05 sa Wayback Machine.
- Historical Association for Joan of Arc Studies
- Joan of Arc Archive
- Catholic Online Biography Naka-arkibo 2006-03-17 sa Wayback Machine.
- Journal of Joan of Arc Studies Naka-arkibo 2006-04-20 sa Wayback Machine.
- Primary Sources Series
- Joan of Arc 'Short Biography'
- Joan of Arc 'Life Summary'
- "Joan of Arc, In Pictures and Text"
- Catholic Online Saints - Joan of Arc Naka-arkibo 2006-03-17 sa Wayback Machine.
- Illuminating Lives: Joan of Arc[patay na link]
- Scrolling timeline Naka-arkibo 2006-02-03 sa Wayback Machine.
- Davidmacd.com Naka-arkibo 2006-05-25 sa Wayback Machine.
- Center for Joan of Arc Studies Naka-arkibo 2008-07-24 sa Wayback Machine.
- Joan of Arc Chapel Naka-arkibo 2004-10-10 sa Wayback Machine.
- EWTN's page Naka-arkibo 2006-04-03 sa Wayback Machine.