Si Judith Godrèche ay ipinanganak noong Marso 23, 1972. Sya ay isang Pranses na artista at manunulat. Siya ay lumitaw sa higit sa 30 mga pelikula.

Si Judith Godrèche noong 2007

Ipinanganak si Godrèche sa ika-17 na distrito ng Paris. Ang kanyang ama ay isang psychoanalyst, at ang kanyang ina ay isang child therapist. Naghiwalay ang kanyang mga magulang noong siya ay walong taong gulang. Ang kanyang ama ay Hudyo; ang kanyang mga magulang ay mga nakaligtas sa Holocaust mula sa Poland at Russia na pinalitan ang kanilang apelyido mula sa Goldreich.[1] Matapos matuklasan ang kanyang galing sa pag arte sa edad na 14, umalis si Godrèche sa paaralan at lumayo sa kanyang mga magulang upang simulan ang kanyang karera sa pag-arte. Noong 1990, sa edad na 17, siya ay nagkarron ng relasyon sa direktor na si Benoît Jacquot, 25 taong mas matanda sa kanya, na nagdidirekta sa kanya sa The Disenchanted.[2]

Karera

baguhin

Kasama sa kanyang naging unang trabaho ang komersyal na pagmomodelo para sa isang kompanyang Hapon na gumagawa ng tsokolate, pati na rin ang isang pangkabataang magasin. Ang kanyang unang pagganap sa pelikula ay bilang anak ni Claudia Cardinale sa L'été prochain. Sa edad na 14, nakuha niya ang kanyang unang pangunahing papel, sa Les mendiants ni Jacquot, kasama si Dominique Sanda.

Noong 1989, nagbida si Godrèche sa La fille de 15 ans ni Jacques Doillon kasama si Melvil Poupaud, na nagdala sa kanya ng katanyagan. Nang sumunod na taon, Nagpasya siya na maging isang full-time na sa pelikula. Noong 1990 siya ay hinirang para sa César Award para sa Most Promising Actress para sa kanyang pagganap sa La désenchantée ni Jacquot.

Noong 1991, Naging miyembro siya ng mga hurado sa 41st Berlin International Film Festival.[3]

Noong 1994 ang kanyang nobelang Point de côté ay nai-publish sa France ng Broché Publishers ng may magagandang reviews.

Si Godrèche ay hindi masyadong kilala ng mga Amerikanong manunuod hanggang sa inilabas ang pelikulang "The Redicule" ni Patrice Leconte noong 1996. Ipinakilala siya ng pelikula sa mga Amerikanong manunuod sa papel na Mathilde de Bellegarde. Noong 1998, nagbida siya kasama sina Leonardo DiCaprio at Jeremy Irons sa The Man in the Iron Mask.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Champenois, Sabrina (27 Marso 2000). "La tiraillée". Libération. Nakuha noong 7 Agosto 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hohenadel, Kristin (6 Hulyo 2012). "Auteur Credo: Cherchez la Femme". The New York Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Berlinale: 1991 Juries". berlinale.de. Nakuha noong 21 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)