Ang pangalang Julia Quinn, ang sagisag-panulat na gamit ni Julie Pottinger (pinanganak na Julie Colter noong 1970), ay isang mabentang manunulat ng romansang makasaysayang Amerikano, na nagsasabing kanyang pinila ang kanyang sagisag panulat upang ang kanyang mga nobela ay malagay sa mga tukador katabi ng mga nobela ng matagumpay na manunulat ng romansang si Amanda Quick[1] Ang kanyang mga nobela ay naisalin na sa labing-tatlong banyagang linguahe at siya ay nalagay na rin sa NNew York Times Bestseller List ng siyam na beses.[2]

Julia Quinn

juliaquinn.com

Talambuhay

baguhin

JuSi Julie Pottinger ay pinalaki sa New England. Ngunit mas maraming oras ang kanyang pinamalagi sa California pagkatapos ng diborsiyo ng kanyang mga magulang.[3] Kahit noong bata pa sya, nahiligan na nyang magbasa ng libro. Hindi inaprubahan ng kanyang ama ang mga napili nyang babasahin tulad ng Sweet Dreams at ang mga libro ng Sweet Valley High. Sinabi sa kanya ng ama niyang pwede lang nyang ipagpatuloy na basahin ang mga librong iyon kung magagawa niyang patunayan na makakabuti sa kanya ang mga ito. Sinabi niya sa kanyang ama na inaaral niya ang mga librong iyon upang makapagsulat rin siya ng libro. Sa kanyang kagustuhang patunayan na tunay niyang gustong magsulat, umupo sya sa kanilang kompyuter at sinulat niya ang kanyang unang dalawang kabanata. Pagkatapos niyang tapusing sulatin ang kanyang unang nobela pagkatapos ng tatlong taon, kanyang isinumete ito sa Sweet Dreams ngunit siya ay tinanggihan.[4]

SI Pottinger ay nagtapos ng kolehiyo sa Harvard Harvard kung saan siya ay nakakuha ng digri sa Art History. Noong kanyang huling taon sa kolehiyo, kanyang napagtantong hindi niya alam kung ano talaga ang gusto niyang gawin gamit ang kanyang digri kung kaya’t pinagpatuloy niya ang pag-aaral at pumasok sa pag-aaral ng Medisina. Ang desisyong kanyang ginawa ay nangahulugang kailangan niyang pumasok ulit ng dalawa pang taon sa unibersidad upang makumpleto niya ang kaniyang mga kailangang kurso tungkol sa Agham.[2]

Upang libangin ang kanyang malibang ang sarili sa mga mahahabang araw nang pag-aaral ng siyensiya, sinimulan ni Pottinger na magsulat ng mga masayang nobelang romansa na nakatakda sa panahon ng Rehensiya.[1] Ilang liggo pagkatapos syang matanggap sa paaralan ng medisina, kanyang natuklasang ang kanyang unang dalawang nobela, ang Splendid at Dancing at Midnight, ay nabenta sa isang auction, isang pangyayaring malimit lamang mangyari para sa isang baguhang manunulat ng romansa.[5] Kanya munang ipinagpaliban ang pag-aaral ng medisina ng dalawang taon habang sumulat pa siya ng dalawa pang nobela.[4]

Noong oras na pumasok na si Pottinger sa paaralan ng Medisina ng Yale upang matupad ang kanyang pangarap na maging doctor, tatlo sa kanyang mga libro ang inilathala na. Matapos ang ilang buwan ng pag-aaral ng Medisina, kanyang napagtangtong mas gusto nyang magsulat ng libro sa halip na magsuri ng bangkay. Iniwan niya ang pagaaral ng medisina at kanyang inilaan ang lahat ng kanyang oras sa pagsusulat.[4]

Itinuturi niya ang kanyang sarili na isang peminista kaya binibigyan nya ang mga bidang babae sa kanyang mga nobela ng peministang mga katangian na hindi totoo sa karaniwang mga inuugali ng mga kababaihan sa panahon kung saan nakabase ang mga nobela niya.[1] Ang kanyang mga libro ay kilala sa pagiging puno ng pagpapatawa na mayroong matalinong palitang-usapan.[4] Ang kanyang mga nobela ay nakapokus sa mga tauhan at kung saan kulang sa palabas na hindi pagkakasundo di tulad ng mga karaniwang romansa na ginagamit ito. Ang isa sa kanyang mga nobela, When He was Wicked, ay hindi sumusunod sa karaniwang takbo ng mga nobelang romansa. Ang unang apat na kabanata ng nobelang iyon ay naglalarawan noong nakaraan ng bidang babae sa nobela at ang kanyang masayang buhay na kasal siya sa ibang lalaking hindi ang pangunahing lalaki sa nobela. At pagkatapos noon, inilarawan sa nobela ang pagkamatay ng una niyang asawa at ang kalungkutang naranasan niya na magbibigay daan sa paglago ng ikalawa niyang kuwento ng pag-ibig.[5]

Karamihan ng mga nobela niya ay nakalaan sa kanyang asawa na si Paul Pottinger karaniwang merong mga sanggunian sa nakatutuwa kahaliling mga pamagat para sa nobela. Siya ay nanalo ng Romance Writers of America RITA Award noong 2007 para sa kanyang nobelang “On the Way to the Wedding” at noong 2008 para sa “The Secret Diaries of Miranda Cheever”. Noong 2003, kanyang nakamit ang karangalang bihirang nakakamtan ng manunulat ng romansa kung saan siya ay naisulat sa Time Magazine At noong 2005, binigyan siya ng Publisher's Weekly ng pagsusuring may bituin para sa kanyang nobelang To Sir Philip, With Love at pagkatapos ay pinangalanan itong isa sa mga pinakamahusay na orihinal na nobela sa taong iyon.[2] Siyam sa kanyang mga nobela, An Offer from a Gentleman, Romancing Mr. Bridgerton, To Sir Philip, With Love, When He was Wicked, It’s in His Kiss, On the Way to the Wedding, The Secret Diaries of Miranda Cheever, The Lost Duke of Wyndham, at Mr. Cavendish, I Presume ay nagging kabilang sa listahan ng New York Times Bestseller List. Ang Mr. Cavendish, I Presume ay nagging una sa listahan ng NY Times noong Oktubre ng 2008.[2]

Si Pottinger ay nakita sa A Funny Thing Happened on the Way to the Forum at sa Heartwood at naging kalahok sa The Weakest Link.[6] Siya ay isang masugid na mambabasa kung saan kanyang binabanggit ang kanyang mga tagubilin ng mga paborito nyang libro sa kanyang website.

SIya at and kanyang asawa ay naninirahan sa hilagang-kanlurang Pasipiko na parte ng Estados Unidos.

Pagkilala

baguhin
  • 1997- "Everything and the Moon" hinirang para sa Pinakamahusay na Rehensiyang Makasaysayan ng Romantic Times Magazine [4]
  • 2001 - Kalahok sa Romance Writers of America's RITA Awards
  • 2002 - Romancing Mister Bridgerton binotong isa sa mga sampung libro ng taon ng RWA membership
    Isa sa mga huling pinagpilian para sa RWA RITA Award para sa Mahabang Makasaysayang Romansa na kategorya
  • 2002 - To Sir Phillip, With Love pinangalanang isa sa mga anim na pinakamahusay na orihinal na nobela ng taon ng Publishers Weekly
  • 2003 - si Quinn ay isinulat sa Time Magazine.
  • 2007 - Nakamit niya ang Romance Writers of America RITA Award para sa Pinakamahusay na Mahabang Makasaysayang Romansa para sa On the Way to the Wedding
  • 2008 - Nakamit niya ang Romance Writers of America RITA Award para sa Pinakamahusay na Mahabang Makasaysayang Romansa para sa The Secret Diaries of Miss Miranda Cheever
  • 2010 - Nakamit niya ang Romance Writers of America RITA Award para sa Pinakamahusay na Mahabang Makasaysayang Romansa para sa What Happens in London[7]
  • 2010 - Si Quinn ay sinali sa Romance Writers of America Hall of Fame.[7]

Biblyograpiya

baguhin

The Splendid Trilogy

baguhin
  • Splendid (1995)
  • Dancing At Midnight (1995)
  • Minx (1996)
  • "A Tale of Two Sisters" in Where's My Hero? (2003, antholohiya kasama ni Lisa Kleypas and Kinley MacGregor)

The Lyndon Sisters

baguhin
  • Everything And The Moon (1997)
  • Brighter Than The Sun (1997)

Agents of the Crown

baguhin
  • To Catch An Heiress (1998)
  • How To Marry A Marquis (1999)

The Bridgertons

baguhin
  • The Duke and I (2000)
  • The Viscount Who Loved Me (2000)
  • An Offer From A Gentleman (2001)
  • Romancing Mister Bridgerton (2002)
  • To Sir Phillip, With Love (2003)
  • When He Was Wicked (2004)
  • It's In His Kiss (2005)
  • On the Way to the Wedding (2006)

Ang pamilyang Bridgerton ay binubuo ng walong anak at ang kanilang balong ina. Sa mga nobela, ang mga Bridgertons ay ginagalang at napapaburan sa lipunan ng Inglatera. Ang pamilyang ito ay mapagmahal sa isa’t-isa at malapit sa isa’t-isa. Sa walong libro, ang mga magkakapatid ay makakahanap ng kani-kanilang tunay na minamahal. Ang bawat libro ay nakatakda sa mataas na lipunan ng Inglatera sa panahon ng Rehensiya.

Ang On the Way to the Wedding, ay nanalo ng Romance Writers of America RITA Award noong 2007. Noong 2002, ang To Sir Phillip, With Love ay pinangalanang isa sa mga anim na pinakamahusay na orihinal na nobela ng taon ng Publishers Weekly. Ilan sa mga libro sa serye ay nabilang sa listahan ng New York Times bestseller list para sa mga pinakamabentang libro.

Nailathala rin ni Quinn ang anim na “Ikalawang Epilogo” para sa The Viscount Who Loved Me, It's In His Kiss, Romancing Mister Bridgerton, When He Was Wicked, An Offer From A Gentleman and To Sir Phillip, With Love. Ang mga pangalawang epilogo ay tanging makukuhang e-book sa kasalukuyan.[8]

The Two Dukes of Wyndham

baguhin
  • The Lost Duke of Wyndham (2008)
  • Mr. Cavendish, I Presume (2008)

Ayon kay Quinn, itong dalawang librong serye ay nakatakda sa pangunahang may dalawang lalaking nagsasabing sila ay ang Duke ng isang lugar. Isa sa kanila ay dapat na mali. Ang mga pangyayari ay sabay na nagaganap at ang balangkas ng mga kuwento ay magkarugtong kung saan ang ilang mga tagpo ay makikita sa parehong libro ngunit galling sa magkaibang pananaw.

The Bevelstoke Series

baguhin
  • The Secret Diaries of Miss Miranda Cheever (2007)
  • What Happens in London (2009)
  • Ten Things I Love About You (2010)

The Smythe-Smith Quartet

baguhin
  • Just Like Heaven (31 Mayo 2011)

Lady Whistledown

baguhin

Isang mahusay na manunulat ng tsismis, si Lady Whistledown, galling sa serye ng mga Bridgerton ay nagtatali ng dalawang antolohiyang mayroong magkakabit na maiikling nobela:

Iba pang nailathala

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Grossman, Lev (3 Pebrero 2003). "Rewriting the Romance" (PDF). Time. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-07-12. Nakuha noong 2007-04-03. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "About Julia". Julia Quinn Official Website. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-18. Nakuha noong 2008-10-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lammerhirt, Pia; Isolde Wehr (2001). "Interview With Julia Quinn". Die Romantische Buecherecke. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-28. Nakuha noong 2007-04-03. {{cite web}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 White, Claire E. (1998). "A Conversation with Julia Quinn". Writers Writes. Nakuha noong 2007-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Julia Quinn Makes her own Destiny". Romantics at Heart. 1996. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-05-09. Nakuha noong 2007-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "News". Julia Quinn Official Website. 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-11. Nakuha noong 2007-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Authors and Books: Hall of Fame". Romance Writers of America. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-17. Nakuha noong 8 Setyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-05. Nakuha noong 2011-06-20.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin