Si Justino Martir o Justin Martyr (Griyego: Ἰουστῖνος ὁ μάρτυς, romanisado: Ioustinos ho martys; c. 100 CE – c. 165 CE) ay isang apolohistang Kristiyano at pilosopo. Ang karamihan sa kanyang mga akda ay nawala na ngunit ang dalawang apolohiya at isang dialogo ay umiiral pa. Ang Unang Apolohiya ni Justino Martir na pinakatanyag niyang akda ay isang masigasig na pagtatanggol sa moralidad ng pamumuhay ng mga Kristiyano at nagbibigay ng iba't ibang mga etikal at pilosopikal na argumento upang mahikayagt ang emperador Imperyong Romano na si Antoninus na abandunahin ang pag-uusig sa Simbahan. Kanya ring isinaad na ang mga "binhi ng Kristiyanismo" (ang mga manipestasyon ng Logos ay aktuwal na nauna bago ang pagkakatawang tao ng Kristo). Kanyang inangking ang maraming mga pilosopong Griyego gaya nina Socrates at Plato ay mga "walang kamalayang sila'y mga Kristiyano". Siya ay naging martir kasma ng ilang niyang mga estudyante at ginawang isang santo sa Simbahang Katoliko Romano, Simbahang Silangang Ortodokso, Simbahang Ortodoksong Oriental at Anglikano.


Justino Martir
Martyr
Ipinanganak100 CE[1]
Flavia Neapolis, Judea
Namatay165 CE (edad 65)
Roma, Imperyong Romano
Benerasyon saCatholic Church
Eastern Orthodox Church
Oriental Orthodoxy
Lutheranism
Anglicanism
KanonisasyonPre-Congregation for the Causes of Saints
Kapistahan1 June (Simbahang Katoliko Romano, Simbahang Silangang Ortodokso, Anglikanismo)
14 April (Roman Calendar, 1882–1969)
Patronphilosophers[2]
Justino Martir
Ibang mga pangalanJustino ang Pilosopo
PanahonAncient philosophy
Eskwela ng pilosopiyaMiddle Platonism
Mga pangunahing interesApologetics
Mga kilalang ideya

Mga sanggunian

baguhin
  1. Thomas Whitlaw, Commentary on John (1885), p. xl
  2. St. Justin Martyr, patron of philosophers, honored on June 1
  3. McNally, Terrence J. (2009). What Every Catholic Should Know about Mary. p. 185. ISBN 978-1-4415-1051-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)