Ang KJC King Dome, ay isang multipurpose indoor arena na sinumulan ipatayo noong Septembre 3, 2012 sa Lungsod Davao.

KJC King Dome
LokasyonDavao City, Philippines
Coordinates7°8′5″N 125°38′50″E / 7.13472°N 125.64722°E / 7.13472; 125.64722
Broke ground3 Setyembre 2012 (2012-09-03)
Binuksan2022
May-ariKingdom of Jesus Christ (KJC)
ScoreboardYes
Halaga ng pagkatayo₱6.025 billion
Nangasiwa ng proyektoACQ Solomonic Builders Development Corporation
Kapasidad70,000
Acreage40,000 hanggang 50,000 m2 (430,000 hanggang 540,000 pi kuw)

Kasaysayan

baguhin
<maplink>: Couldn't parse JSON: Syntax error

Pagpapatayo

baguhin

Ang pagpapatayo ng KJC King Dome ay pinanagasiwa ng ACQ Solomonic Builders Development Corporation, isang subsidiary ng Kingdom of Jesus Christ (KJC), isang simbahang Kristiyano.[1] Ang seremonya para sa groundbreaking ng pasilidad na ipinapatayo sa katabi ng Paliparang Pandaigdig ng Francisco Bangoy.[2] ay isinigawa noong Septembre 3, 2012[3] at inaasahang matapos pagdating 2022[1]

Noong Enero 2018, pormal na nakipasok ang Dafeng, isang isang kumpanyang Tsino, sa isang kasunduan sa KJC. Ang proyekto ay isinima sa One Belt One Road Initiative ng Ministro ng Kultura ng Tsina.[4]

Gamit at mga pasilidad

baguhin

Unang planong gawing katedral lamang para sa Kingdom of Jesus Christ (KJC) ni Pastor Apollo Quiboloy, ang KJC King Dome ay balak din gamitin para sa ibang kaganapan tulad ng mga concert at mga labanan sa boksing and basketbol.[2][5]Magkakaroon din ang King Dome ng isang de-kahon na scoreboard.[6]

Ang King Dome ay magiging bahagi ng isang mas malaking mixed-used development na magkakahalaga ng ₱7.981 bilyon. Ito ay magkakaroon ng isang condominium hotel, isang otel at museo, isang hangar, isang water park, isang otel at sentrong pangkomersyo, at isang complex na pang-administratibo.[1]

Ang King Dome mismo ay tinatayang nagkakahalagang ₱6.025 billion[1].Ito ay magkakaroon ng kapasidad na 70,000[7], mas malaki sa Philippine Arena na may kapasidad na 55,000[1] at ito ay magiging pinakamalaking indoor arena sa daigdig kapag ito ay natapos. Dati ibinalak na 50,000 lamang ang kapasidad ng King Dome.[2]

Arkitektura at disenyo

baguhin

Australyano ang arkitekto ng KJC King Dome. Kinumpara ito sa Staples Center ng pinuno ng KJC na si Apollo Quiboloy dahil ginawang sa ilalim ng lupa ang isang palapag ng King Dome dahil sa lapit nito sa paliparan ng Lungsod Davao. Ang floor area ng King Dome ay tinatayang 40,000 hanggang 50,000 square meter (430,000 hanggang 540,000 pi kuw). Ito rin ang magkakaroon ng mga 38 elevator at sistema para sa airconditioning. Iminungkahi ng mga Australyano ang isang bubong na naisasara at naibubukas para sa King Dome ngunit ang mungkahi ay hindi inapruba ng KJC.[6]

Ang Dafeng ay ang mangagasiwa sa ilaw, mga upuan, curtain wall, at makinaryang pangtanghalan ng indoor arena. Ang KJC Kingdome ay magkakaroon ng dobleng kurbadong curtain wall na gawa sa salamin, isan sistemang cellular panel na gawa sa aluminyo, at flood lighting. Ang panlabas na itsura ng King Dome ay magiging magkasingtulad sa isang korona.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Fusilero, Kristianne (Hunyo 24, 2015). "`Kingdome' to be finished by 2025" ['King Dome' tapos pagdating ng 2025]. Mindanao Times (sa wikang Ingles). Mindanao Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 29, 2016. Nakuha noong Disyembre 30, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "'King Dome', largest indoor cathedral to rise in Davao City" ['King Dome', pinakamalaking katedral itatayo sa Lungsod Davao]. Edge Davao (sa wikang Ingles). Setyembre 15, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "King Dome Ground Breaking Ceremony" [Groundbreaking Ceremony ng King Dome]. The Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 4, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "大丰与菲律宾KJC签约仪式在杭举行" [Dafeng at KJC Philippines signing ceremony isinagawa sa Hangzhou] (sa wikang Mandarin). Zhejiang Dafeng Industrial Co., Ltd. Enero 11, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-05-23. Nakuha noong Mayo 23, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  5. "P3-B sports facility up in Davao" (sa wikang Ingles). Manila Bulletin. Nakuha noong 2015-06-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Bravo, Neilwin Joseph (Abril 26, 2015). "The King Dome Come". Edge Davao (sa wikang Ingles). 8 (17): 2. Nakuha noong Mayo 23, 2018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Romualdez, Babe (Hunyo 12, 2016). "Pastor Apollo Quiboloy's prophecy" [propesiya ni Pastor Apollo Quiboloy]. Babe's Eye View (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong Agosto 5, 2016. One of KJC's biggest projects is the King Dome – a multi-purpose coliseum set in a 26-hectare area near the Davao International Airport that is envisioned to be the biggest in Davao with a capacity of 70,000.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)