KTH Royal Institute of Technology
Ang KTH Royal Institute of Technology (KTH, Suweko: Kungliga Tekniska högskolan) ay isang unibersidad sa Stockholm, Sweden, na tanyag sa larangan ng inhinyeriya at teknolohiya. Ito ang may pinakamataas na ranggo sa hilagang kontinental na Europa sa iba't ibang mga akademikong disiplina.[1] Ang kasalukuyang Hari ng Sweden na si Carl XVI Gustaf ang kasalukuyan nitong Mataas na Protektor (High Protector)l.
Ang pangunahing gusali ng kampus sa Valhallavägen sa Östermalm, na dinisenyo ng arkitektong si Erik Lallerstedt, ay nakumpleto noong 1917. Ngayon, ang mga institusyon at fakultad ng KTH ay nakakalat sa iba't ibang mga kampus sa Stockholm County, na matatagpuan sa Flemingsberg, Haninge, Kista at Sodertalje, bukod pa sa mga pasilidad sa Östermalm.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "QS World University Rankings 2016". 25 Agosto 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
59°20′50″N 18°04′22″E / 59.347222222222°N 18.072777777778°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.