Angkop na pangangatawan

(Idinirekta mula sa Kaangkupan ng Katawan)

Ang angkop na pangangatawan o angkop na katawan (sa Ingles: physical fitness) ay binubuo ng maraming mga bagay, na kasama ang lakas ng katawan, katatagan ng katawan, kakayahang tumagal ng katawan, tibay ng katawan, kasanayan, at mabuting kalusugan.[1] Kinapapalooban din ito ng dalawang magkakaugnay na mga diwa: pangkalatahang kaangkupan (tinatawag na general fitness sa Ingles), na isang kalagayan ng kalusugan at mainam na kapakanan o kabutihan; at ang espesipikong kaangkupan (tiyak na kaangkupan o partikular na kaangkupan, tinatawag na specific fitness sa Ingles), na isang kahulugang nakatuon sa isang gawain batay sa kakayahang maisagawa ang tiyak na mga aspeto ng palakasan o isports, o kaya ng mga hanap-buhay.

Ang pagkakaroon ng naaangkop na pangangatawan ay isang katangiang kinakailangan, kung tutuusin, para sa panunungkulan sa lahat ng mga lakas militar.
Nakapagdurulot din ng naaangkop na pangangatawan ang pagyoyoga.

Palaging isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyong pisikal ang pagkakaroon ng mga tao ng naaangkop na mga pangangatawan.[1]

Sa loob ng nakalipas na mga taon, pangkaraniwang binibigyang kahulugan ang kaangkupan (ang fitness) bilang ang kakayahang makapagsagawa ng pang-araw-araw na mga gawain na hindi nakadaranas ng labis na kapaguran o hindi napapagod.[1] Ngunit naging hindi na sapat ang ganitong kahulugan noong lumawak ang panahon ng paglilibang dahil sa automasyon o pagkakaroon ng mga aparato o kagamitang automatiko, at dahil na rin sa mga pagbabago sa mga gawi sa pamumuhay kasunod ng rebolusyong pang-industriya. Sa kasalukuyang panahon, itinuturing ang kaangkupan ng pangangatawan bilang isang pamantayan ng kakayanan ng katawan na magsagawa ng gampanin o tungkulin nito na may katalaban at may kinahahantungan sa mga gawaing pangtrabaho at pang-paglilibang. Pati na ang kakayahan ng katawang maging malusog, na mapaglabanan ang mga karamdamang hipokinetiko (mga karamdamang lumilitaw dahil sa mababang bilang ng paggalaw o pagkilos dahil sa sedentaryong estilo ng pamumuhay), at matugunan ang mga sitwasyong pang-emerhensiya.

Katumbas din ng pariralang angkop na pangangatawan ang naaangkop na pangangatawan, naaakmang pangangatawan, hustong pangangatawan, tamang pangangatawan, nararapat na pangangatawan, nababagay na pangangatawan, mabuting pangangatawan, at malusog na pangangatawan.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Physical fitness". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Conditioning exercises, at Physical Education, pahina 224 at 226.

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Edukasyon at Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.