Milagro

(Idinirekta mula sa Kababalaghan)

Ang himala o milagro (mula sa kastila milagro) ay ang alin mang pangyayari na lumalabag sa pangkaraniwang mga batas ng kalikasan. Ang mga himala ay pinaniniwalaang mga kamangha-manghang palatandaan ng kapangyarihan ng (mga) Diyos sa iba't ibang mga relihiyon mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.

Miracle of the Slave, isang pinta ni Tintoretto noong 1548, mula sa Gallerie dell'Accademia sa Benesiya. Naglalarawan ito ng isang pangyayari sa buhay ni San Marcos, santong patron ng Benesiya, kinuha mula sa Golden Legend ni Jacopo da Varazze. Ipinapakita sa eksena ang isang santong namamagitan para ang isang aliping halos pagmamartirin na ay di-maaaring salakayin.

Mga halimbawa ng inangking himala

baguhin

Mga relihiyon

baguhin

Sinaunang mga panahon

baguhin

Ang mga milagro ng mga diyos ay karaniwan sa iba't ibang mga relihiyon mula pa sa sinaunang panahon. Ang Griyegong manlalakbay na si Pausanias ay nag-ulat na ang tatlong mga palayok ay dinala sa gusali ng mga saserdote ni Dionysus at inilatag na walang laman sa harap ng mga mamamayan. Kinabukasan ay pinayagan silang siyasatin ang mga selyo at sa pagpasok sa gusali ay natagpuan nilang ang mga palayok ay napuno ng alak.[1] Sa Ang Bacchae, ang isang babaeng bacchant ay nagpukpok ng kanyang thyrsus laban sa isang bato at ang isang lagusan ng malamig na tubig ay umahon. Ang isa pa nagtusok ng kanyang fennel sa lupa at sa paghaplos ng diyos na si Dionysus ay bumuhos ang isang batis ng alak. Isinaad na "Kung naroon ka at nakita ang mga kamangha manghang bagay na ito para sa iyong sarili, ikaw ay luluhod at mananalangin sa diyos na ngayong itinatanggi mo." Ang Griyegong diyos ng medisina na si Asklepios ay nagpapagaling ng mga karamdaman at bumubuhay ng mga namatay. Ang diyos na si Mithra ay nagpapagaling ng mga karamdaman, ng mga bulag, nagpapalayas ng mga demonyo at bumubuhay ng mga namatay. Ayon Rudolf Bultmann, ang tema ng paglalakad sa ibabaw ng dagat ay isang pamilyar na tema sa maraming mga kultura. Sa tradisyong Griyego at Romano, si Poseidon o Neptun ang diyos ng dagat na naglalakbay sa kanyang karwahe sa ibabaw ng tubig. Ang mga tao ay maaaring pagkalooban ng kapangyarihang ito na tipikal ay mga anak na lalake ni Poseidon sa mga inang tao gaya ni Orion na sa mga ito "ay ibinigay...bilang regalo ang kapangyarihan ng paglalakad sa tubig na parang sa lupain".[2] Sa karagdagan, ang motif ng paglalakad sa ibabaw ng tubig ay nauugnay rin sa mga haring tulad nina Xerxes II o Dakilang Alejandro.

Modernong panahon

baguhin

Ang mga milagrong karaniwang inaangkin ng mga relihiyon sa kasalukuyan ay ang mga pagpapagaling ng karamdaman(halimbawa sa Shamanismo, Simbahang Katoliko, Protestante, Pentekostal at iba pa), pagpapalayas ng mga demonyo, pagmimilagro ng mga rebulto gaya ng mga lumuluhang rebulto sa Katoliko o pag-inom ng gatas ng rebulto sa Hinduismo, mga aparisyon ni Maria, stigmata at hindi pagkabulok ng mga bangkay ng pinaniniwalaang banal na tao. Gayunpaman, ang inaangking hindi pagkabulok ng bangkay ay hindi natatangi sa Katoliko. Ang Budistang lama na si Dashi-Dorzho Itigilov na namatay noong 1927 ay inangking nagsabi sa kanyang mga tagsunod na hukayin ang kanyang katawan pagkatapos ng 30 taon ng kanyang kamatayan at nang kanilang hukayin ito ay natagpuang hindi nabulok. Ang bangkay ni Itigilov ay muling inilibing ngunit pagkatapos ng 45 taon noong 2002 ay muling hinukay at natuklasan ang kanyang bangkay na perpektong naingatan. Ang mga budistang monghe na sokoshinbutsu ay alam ring may mga mahusay na naingatang katawan pagkatapos ng kanilang kamatayan na ipinagpapalagay na resulta ng mga ritwal na kasanayang asetiko ng mga ito bago ang kanilang kamatayan. Ang mga katawang lusak ay mga bangkay na hindi nabulok na natagpuan sa mga lusak na nagpanatili ng kanilang mga balat at panloob na organo sanhi ng mga hindi karaniwang kondisyon sa mga lusak. Ang guru na Indiyanong si Paramahansa Yogananda ay iniulat na "walang pisikal na disintegrasyon ang makikita sa kanyang katawan kahit pagkatapos ng dalawampung araw pagkatapos ng kanyang kamatayan". Ang ilang mga natural na proseso ay iminungkahi rin gaya ng adipocere na tabang tisyu sa katawan na maaaring sumailalim sa isang reaksiyong kemikal na nagiging matigas na tulad ng wax na tulad ng sabong substansiya. Ang mga kaso sa Katoliko na inaangking naingatang bangkay gaya ng kay Bernadette Soubirous na namatay noong 1879 ay aktuwal na tinakpan ng wax na idinagdag dahil ang kanyang mukha ay pumayat nang ang kanyang katawan ay unang hukayin. Sa karamihan ng mga inaangking aparisyon ni Maria, ang tanging ilang mga tao ang nag-ulat na nakasaksi ng aparisyon. Ang eksepsiyon dito ang mga inaangking aparsiyon ni Maria sa Zeitoun at Assiut, Ehipto na inaprubahan ng Simbahang Koptikong Ortodokso ngunit hindi sa Simbahang Katoliko. Ang aparisyon sa Zetous ay iniulat na nasaksihan ng maraming mga tao kung saan ang Birheng Maria ay nagpakita sa iba't ibang mga anyo sa ibabaw ng Simbahang Koptikong Ortodokso ng Santa Maria sa Zeitoun, Ehipto sa loob ng 2 hanggang 3 taon. Gayunpaman, ayon kay Cynthia Nelson na propesor ng antropolohiya sa American University in Cairo, kanyang binista ang lugar ng simbahang Koptiko sa ilang mga okasyon at sa kabila ng mga pag-aangkin ng patuloy na mga pagdalaw ng aparisyon ni Maria, kanyang dinokumentong wala siyang nakita maliban sa ilang mga kaunting pahinto hintong kislap ng liwanag.[3] Ayon sa mga sosylogong sina Robert Bartholomew at Erich Goode ang mga aparisyon sa Zeitoun ay prominenteng kaso ng isang delusyong pang-masa. Ang aparisyon sa Zeitoun ay iniimbetigahan rin bilang isang posibleng halimbawa ng tectonic strain theory.[4] Ayon sa neurosiyentipikong si Michael Persinger, ang mga strain sa loob ng krusto ng daigdig malapit sa mga seismikong fault ay lumilikha ng mga elektrogmagnetikong field na lumilikha ng mga katawan ng liwanag na pinapakahulugan ng ilan na mga kumikislap na mga UFO o aparisyon ni Maria. Idinagdag rin ni Persinger na ang mga elektromagnetikong field ay lumilikha ng mga halusinasyon sa temporal na lobo batay sa mga larawan mula sa popular na kultura gaya ng sasakyan ng alien, mga nilalang, mga komunikayson. Ang isang karaniwang ulat mula sa mga indibidwal na may schizophrenia ay pagkakaroon ng isang uri ng delusyong relihiyoso na kinabibilangan ng paniniwalang sila ay mga diyos o mesiyas, ang diyos ay nakikipag-usap sa kanila, sila ay nasasapian ng demonyo at iba pa.[5][6][7] Ang delusyong relihiyoso ay natagpuan na malakas na nauugnay sa pagiging hindi matatag ng temporolimbic ng utak. (Ng 2007).[8] Ang ilang mga Kristiyanong Protestante at mga hindi Kristiyano ay tumuturing sa mga pag-aangkin ng mga aparisyon ni Maria bilang mga halusinasyon na hinikayat ng mga superstisyon at minsang simpleng sinadyang mga pandaraya upang makaakit ng atensiyon. Ang maraming mga gayong aparisyon ay iniulat sa mga naghihirap na mga lugar na umaakit ng mga peregrino na nagdadala ng kalakal at salapi sa rehiyon. Ayon sa mga skeptiko, ang katotohanang ang stigmata ay lumilitaw ng magkakaiba sa mga nag-angkin nito ay isang malakas na ebidensiya na ang mga "sugat" ay hindi tunay na milagroso. Wala ring kaso ng stigmata ang alam na nangyari bago ang ika-13 siglo CE, nang ang ipinakong Hesus ay naging pamantayang ikono sa Kristiyanismo sa kanluran. May ilang mga posibleng iminungkahing sanhi sa pagkakaroon ng inangking stigmata sa isang tao. Ito ay maaaring sinanhi ng isang tao habang nasa isang ekstasiyang relihiyoso at hindi ito naalala pagkatapos. Ang masidhing meditasyon ay maaari ring magdulot ng sikosomatikong reaksiyon na tinatawag na sikohenikong purpura. Ang maraming mga kaso ng mga stigmata ay mga sadyang pandaraya gaya ng kay Magdalena de la Cruz (1487-1560) na umamin na kanyang pineke ang kanyang stigmata at kay Maria de la Visitacion na madre sa Lisbon noong 1587 na nahuling nagpipinta ng mga "sugat" sa kanyang mga kamay. Wala ring naimbestigahang mga stigmatiko na kailanman nagpakita ng phenomenon na ito mula sa simula hanggang wakas sa presensiya ng iba. Ang mga stigmata ni Padre Pio ay napatunayang superpisyal nang siyasatin bagaman ang mga mananampalataya ay nag-angking ang mga sugat ay kumpletong tumagos sa kanyang kamay. Ayon sa isang historyan, pineke ni Padre Pio ang kanyang stigmata sa pamamagitan ng pagbubuhos ng asidong karboliko sa kanyang mga kamay. Ang isang dokumento ay naghahayag ng testimonya ng isang parmasista na nagsabing si Padre Pio ay bumili ng apat na gramong asidong karboliko noong 1919.[9] Ipinakita ng dalawang mga eksperto sa National Geographic Channel na ang paggamit ng sodang kaustiko ay nagsasanhi ng ng katamtamang mga sunog na kemikal sa hugis ng krus. Kanila ring ipinakita na magagawa ang isang walang sakit na karanasang stigmata sa pamamagitan ng pagpapahid sa isang kamay ng kaunting iron chloride at sa isa ay potassium thiocyanate. Kung papayagan ang parehong mga walang kulay na kemikal na matuyo at pagkatapos ay pagsasamahin ang mga kamay ay magsasanhi sa isang reaksiyong kemikal na na nagsasanhi ng mga pahid na kulay dugo sa parehong mga kamay. Ayon sa mga skeptiko, walang mga ebidensiya na ang pagpapagaling sa pamamagitan ng pananampalataya(faith healing) ay gumagana. Ang karamihan ng mga inaangking mga pagpapagaling sa pamamagitan ng pananampalataya ay kinasasangkutan ng mga pandaraya[10] at ang ilang mga inaangking mga paggaling ay sanhi ng mga maling diagnosis na hindi nangangailangan ng pagpapagaling. Ang ilang mga pagsasaliksik ng siyentipiko ay tumalakay rin ng mga posibleng mekanismo ng kusang loob na pagliit o paglaho ng kanser. Iminungkahi na ito ay maaaring sanhi ng anyo ng reaksiyong imunolohikal. Ayon sa isang pagsasaliksik, ang malaking bilang ng mga kusang loob na pagliit o paglaho ng kanser ay nangyayari pagkatapos ng isang impeksiyong trangkaso.[11] Ang isang kaso ng paglaho nito kasunod ng myxoedme coma ay nagmumungkahing ang hipothyoridsmo ay maaaring pumukaw ng isang apoptosis sa mga tumor. Ang isa pa ay metilasyon ng DNA na nasasangkot sa pag-iiba ng selula. Sa karagdagan sa mga hindi-milagrosong paliwanag nito, ang mga inaangking paggaling ay maaaring ituro sa epektong placebo. Ang organisasyong Children's Health Care Is a Legal Duty ay nagtaya na ang mga 300 bata ay namatay sa Estados Unidos simula noong 1975 sanhi ng paglalagay ng labis na pananampalataya sa faith healing. Pagkatapos ng sunod sunod na mga insidente sa mga lokal na pangkat relihiyon na nagresulta sa mga kamatayan, ang pamahalaan ng Oregon ay nagpasya noong Marso 2011 na ang faith healing ay hindi katanggap tanggap na depensa laban sa mga kaso ng pagpapabaya ng mga magulang.[12]

Ang iniulat na mga lumuluhang mga estatwa sa Katoliko ay kadalasan ng Birheng Maria. Gayunpaman, hanggang sa ngayon, isang halimbawa lamang ng lumuluhang estatwa ang inaprubahan ng Vatikano at ang karamihan ng mga inaangking lumuluhang estatwa ay idineklarang peke ng Vatikano. Ang isang halimbawa ay ang inangking pagluha ng dugo ng estawa ni Maria sa Italya noong 1995. Ang mga 60 saksi kabilang ang lokal na obispo ay nagpatunay na kanilang nasaksihan ang milagro. Gayunpaman, ang dugo ng estatwa ay natagpuang mula sa isang lalake at ang may ari ng estatwang si Fabio Gregori ay tumangging kumuha ng pagsubok ng kanyang DNA. Ang isang posibleng paliwanag nito ay ang mga luha ay aktuwal na nagmumula sa mga butil ng mga kondensasyon ng mga mikroskopikong lamat sa ibabaw ng mga estatwa. Ang mga ulat ng pagsubok nito ay sinasabing nagpapatunay ng teoriyang ito.

Sa kasalukuyang panahon ay walang mga relihiyon ang nag-aangkin ng mga mas milagrosong pangyayari(na nakumpirma ng agham) gaya ng paglalakad sa ibabaw ng tubig, pagbubuhay ng mga namatay o pagpapalagong muli ng mga naputol na hita.

Mga indibidwal

baguhin

May mga iba't iba rin mga indibidwal na inaangkin na nagsagawa ng mga milagro kabilang si Pythagoras, Buddha, Apollonius ng Tyana, Hesus, Vespasian, Satya sai Baba at marami pang iba.

Pythagoras

baguhin

Ayon kay Porphyry tungkol kay Pythagoras(570 BCE – ca. 495 BCE), "Ang mga napatunayang mga hula ni Pythagoras ng mga lindol ay naipasa, at gayundin ay nang kanyang agad na patalsikin ang mga salot, supilin ang mga marahas na hangin at ulang yelo at palubagin ang mga bagyo o parehong mga ilog at mga karagatan."[13] Ayon kay Iamblichus, "Maraming ibang mga mas kahanga-hanga at makadiyos na mga partikular ay gayundin nagkakaisang iniugnay sa taong ito gaya ng walang kamaliang mga hula ng mga lindol, mabilis na pagpapatalsik ng mga salot at mga bagyo, biglaang pagpapahinto ng ulang yelo, at pagpapakalma sa mga alon ng ilog at mga karagatan upang ang kanyang mga alagd ay madaling makadaan sa mga ito". Ayon sa isang salaysay, si Pythagoras sa kanyang mga paglalakbay ay natagpuan ang ilang mga mangingisda na hinuhugot ang kanilang mga lambat na puno ng mga isda. Sinabi ni Pythagoras sa mga mangingisda na magagawa niyang eksaktong mabilang ang bilang ng mga isdang kanilang nahuli. Kanilang binilang ang kanilang mga isda at tumpak na nahulaan ni Pythagoras ang mga bilang nito. Iniutos ni Pythagoras na kanilang ibalik ang mga isda sa dagat at wala sa mga ito ang namatay bagaman ang mga ito ay matagal nang wala sa tubig. Ang mga tagasunod ni Pythagoras na mga Pythagorean ay tumuring sa bilang na 153 bilang isang sagradong bilang sanhi ng paggamit nito sa isang rasyong matematikal na tinatawag na "sukat ng isda" na lumilikha ng mistikal na simbolong vesica pisces na interseksiyon ng dalawang mga bilog na lumilikha ng isang tulad ng isdang hugis.

Buddha

baguhin

Si Buddha(563 BCE - ca. 483 BCE) ay sinasabing nagsagawa ng mga 3,500 himala. Ang Mahajima Nikaya ay nagsasaad na si Buddha ay nag-angkin ng mas maraming mga labis na kapangyarihan kabilang ang kakayahan na lumakad sa tubig na karagdagang pinatunayan sa Angutara Nikaya. Si Buddha ay may kakayahang dumami sa milyon at pagkatapos ay bumalik. Siya ay may kakayahan na maglakbay sa espasyo, gawin ang kanyang sarili na kasing laki ng higante at kasing liit ng langgam, lumakad sa mga kabundukan, maglakbay sa kahanga hangang bils,[14] sumisid papasok at palabas sa daigdig, maglakbay sa mga langit upang aralan ang mga diyos at bumalik sa daigdig, gawing hindi nakikita ang isang tao.[15] Si Buddha ay sinasabi ring nag-aangkin at nagsanay ng Iddhi, Telepatiya, labis na pagdinig, pagtingin at pagtingin sa mga nakaraang buhay.[16] Ayon sa isang salaysay: "[Ang isang alagad na nagnais] na bumisita kay Buddha sa isang gabi...ay natagpuan ang bangka na nawawala mula sa gilid ng ilog Acirvati. Sa isang pananampalatayang pagtitiwala kay Buddha, siya ay humakbang sa tubig at lumakad na tila sa tuyong lupain hanggang sa gitna ng daloy. At pagkatapos ay lumabas siya sa kanyang nakuntentong pagninilay nilay kay Buddha na kanyang nawala ang kanyang sarili at nakita ang mga ilog at natakot at ang kanyang mga paa ay nagsimulang lumubog. Ngunit kanyang pinilit ang kanyang sarili na mabalot muli sa kanyang pagninilay nila at sa pamamagitan ng kapangyarihan nito ay umabot sa malayong gilid ng ilog ng ligtas at naabot ang kanyang Panginoon".[17] Si Buddha ay iniulat na nagpakain ng 500 mga monghe Budista ng isang keyk na inilagay sa isang mangkok na panglimos at ito ay higit na sumobra na ang natira nito ay itinapon.[18] Sa Mahavagga 20:16, nagkaroon ng malakas na pag-ulan at pagbaha na ang tirahan ni Buddha ay lumubog sa baha. Gayunpaman, si Buddha ay nagkonseptualisa at sinanhi na ang tubig ay umurong upang makapaglakad siya sa gitna ng tubig sa tuyong lupain. Si Uruvela ay natakot na si Buddha ay tinangay ng baha at kaya ay naglayag sa baha upang tumungo sa tirahan ni Buddha at nakita ang paglutang ni Buddha sa hangin at pagbaba ni Buddha ng kanyang sarili sa bangka. Sinanhi rin ni Buddha na ang panggatong na kahoy ay mahati sa 400 piraso. Si Buddha ay isinaad na dalawang beses na sumailalim sa transpigurasyon sa sandali ng kanyang kaliwanagan at sa sandali ng kanyang kamatayan.[19]

Apollonius ng Tyana

baguhin

Ayon kay Philostratus, si Apollonius ng Tyana(c. 15? CE –c. 100? CE) ay muling bumuhay ng isang namatay na babae,[20], nagpagaling ng bata na kinagat ng asong ulol, nagpagaling ng isang pilay[21], nagpahinto ng isang salot, nagpalayas ng demonyo, nag-angkin ng ekstra-sensoryong persepsiyon at iba pa.[22]

Ang mga milagro ni Hesus(ca. 7 BCE - 36 CE) sa apat na kanonikal na ebanghelyo ay inuri ng ilang mga iskolar sa apat na mga pangkat: mga pagpapagaling sa karamdaman, pagpapalayas ng mga demonyo o masamang espirito, pagbuhay sa patay, at pagkontrol sa kalikasan. Ayon sa Marcos 8:11–12, Mateo 16:1–4, Mateo 12:38–40 at Lucas 11:29–30, si Hesus ay tumanggi na magbigay ng anumang "mga tanda" ng milagro upang patunayan ang kanyang autoridad. Gayunpaman, ayon sa Juan 2:11, ang mga milagro ni Hesus ang "mga tanda" na naghahayag ng kanyang kaluwalhatian. Kabilang sa mga milagro ng pagkontrol ni Hesus sa kalikasan ang: pagbabago ng tubig sa alak(Juan 2:1–11), pagpapakain ng maraming tao sa pamamagitan ng pagpaparami ng ilang tinapay at isda na sumobra, paglalakad sa tubig(Juan 6:16–21), transpigurasyon(Mateo 17:1–9, Marcos 9:2–8, Lucas 9:28–36), pagpapatigil ng bagyo at pagsumpa sa puno ng igos. Ayon sa Mateo 14:28–32, "Sumagot sa kaniya si Pedro: Panginoon, kung ikaw nga, hayaan mong makapariyan ako sa iyo sa ibabaw ng tubig. Sinabi niya: Halika. Pagkababa ni Pedro mula sa bangka, lumakad siya sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. Ngunit nang makita niya ang malakas na hangin, natakot siya at nagsimulang lumubog. Sumigaw siya na sinasabi: Panginoon, sagipin mo ako. Kaagad na iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya. Sinabi niya sa kaniya: O, ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-aalinlangan? Nang makasakay na sila sa bangka, tumigil ang hangin." Ayon sa Juan 21:1–11, "At sinabi niya sa kanila: Ihagis ninyo ang lambat sa dakong kanan ng bangka at makakasumpong kayo. Inihagis nga nila at hindi na nila kayang hilahin ang kanilang lambat dahil sa dami ng isda. Kaya ang alagad na iyon na inibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro: Ang Panginoon iyon. Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, isinuot niya ang kaniyang pang-itaas na damit dahil siya ay nakahubad. At tumalon siya sa lawa. Ang ibang mga alagad ay dumating na sakay ng maliit na bangka. Hinihila nila ang lambat na may mga isda sapagkat hindi gaanong malayo sa pampang kundi may dalawang-daang siko lamang ang layo mula sa lupa. 9 Pagkalunsad nila sa lupa, nakakita sila ng mga nagbabagang uling. May mga isdang nakapatong doon. May mga tinapay rin. Sinabi ni Jesus sa kanila: Dalhin ninyo rito ang mga isda na ngayon lang ninyo nahuli. Umahon si Simon Pedro. Hinila niya ang lambat sa dalampasigan. Ang lambat ay puno ng mga malalaking isda. Isang daan at limampu't tatlo(153) ang kanilang bilang. Kahit na ganoon karami ang isda, hindi napunit ang lambat."

Vespasian

baguhin

Iniulat ng historyan na si Tacitus na nang ang emperador na si Vespasian(9 CE-79 CE) ay nasa Alexandria, Ehipto noong 69 CE sa kanyang pagbabalik sa Roma ay nilapitan ng dalawang tao(isang bulag at isang pilay) na nag-aangking ang diyos na si Serapis ay lumitaw sa kanila sa isang panaginip na nagsasabing sila ay pagagalingin ng emperador. Inilagay ni Vespasian ang kanyang dura sa mga mata ng bulag at tinapakan ang paa ng pilay at sila ay gumaling. Isinulat ni Tacitus na, "Ang mga saksi ay pinag-uusapan ang mga pangyayaring ito hanggang sa kasalukuyan nang hindi sila makikinabang sa pagsasabi ng kasinungalingan".

Pinchas ben Yair

baguhin

Ang aggadah ay nagtala ng maraming mga milagro na isinagawa ni Pinchas ben Yair. Kabilang sa mga milagrong ito ang pagtawid sa natuyong daanan sa Ilog Ginai habang patungo sa pagtubos ng mga bilanggo. [23] Ayon sa isa pang bersiyon, ang milagrong ito ay ginawa ni Pinchas nang magtungo siya sa paaralan upang magturo at tanungin ng mga estudyante kung makakatawid sila sa ilog nang hindi manganganib. Isinaad ni Pinchas na sila lamang na hindi nakasakit sa sinuman ang makakagawa nito.[24]

Mga kritisismo

baguhin

Ayon kay David Hume, ang isang milagro ay isang paglabag sa mga batas ng kalikasan at dahil ang isang matatag at hindi mababagong karanasan ay nagpatunay ng mga batas na ito, ang patotoo laban sa isang milagro mula sa pinkakalikasan ng katotohanan ay buong gaya ng anumang argumento mula sa karanasang posibleng maiisip...Kaya dapat ay may isang parehong karanasan na laban sa bawat pangyayaring milagroso, kundi, ang pangyayaring ito ay hindi nararapat ng pagpapangalang ito. Ang konsekwensiya ay walang testimonya na sapat na magpapatunay ng isang milagro malibang ang testimonya ay ng gayong uri na ang pagiging hindi totoo nito ay mas milagroso kesa sa katotohanan na sinisikap nitong patunayan; kahit sa kasong ito ay mayroong isang mutwal na pagwasak ng mga argumento at ang superior ay nagbibigay lamang sa atin ng kasiguraduhan na angkop sa digring ito ng pwersa na nananatili pagkatapos mahinuha ang inperyor. Kanyang isinaad na kapag ang isa ay nagsabing nakita niya ang isang namatay na tao na binuhay, kanyang isasaalang alang kung mas malamang na ang taong ito ay dapat nandadaya o nadaya o ang katotohanang ang kanyang ikinukwento ay dapat talagang nangyari. Kanyang tinitimbang ang isang milagro laban sa isa at ayon sa pagiging superior, ay palaging itinatakwil ang mas malaking milagro. Ang ilan sa mga argumento ni Hume laban sa mga milagro ang sumusunod:

  • Ang mga tao ay kadalasang nagsisinungaling at ang mga ito ay may mabuting mga dahilan na magsinungaling tungkol sa mga nangyayaring milagro dahil ang mga ito ay naniniwala na ginagawa nila ito para sa kapakinabangan ng kanilang relihiyon o dahil sa kasikatang nagreresulta rito.
  • Ang mga tao ay sa kalikasan nagagalak na magkwento ng mga milagro na kanilang narinig nang walang pakialam sa pagiging totoo ng mga ito at kaya ang mga milagro ay madaling maipasa kahit hindi totoo.
  • Ang milagro ay tila nangyayari nang karamihan sa mga ignorante at barbarikong mga bansa at mga panahon at ang dahilan na ang mga ito ay hindi nangyayari sa mga sibilisadong lipunan ay ang gayong mga lipunan ay hindi namamangha sa alam nilang mga pangyayari sa kalikasan.
  • Ang mga milagro ay inangkin ng pabor sa bawat relihiyon ngunit ang mga relihiyong ito ay gumagawa ng mga magkakasalungat na mga pag-aangkin kaya ang mga piraso ng ebidensiya para sa mga milagro ng iba't ibang mga relihiyon ay wumawasak sa bawat isa.

Ayon kay James Keller, ang pag-aangkin na ang diyos ay gumawa ng isang milagro ay nagpapahiwatig na pinili ng diyos ang ilang mga tao para sa kapakinabangan na hindi natanggap ng maraming mga ibang tao na nagpapahiwatig na ang diyos ay hindi patas.[25] Ang isang halimbawa ay "kung namagitan ang diyos na iligtas ang iyong buhay sa pagkabangga ng sasakyan, kung gayon, ano ang ginagawa niya sa Auschwitz?".

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Pausanias VI, 26, 1-2
  2. Pseudo-Eratosthenes: Catasterismi fragment 32 = (pseudo-) Hesiod: Astronomy
  3. The Virgin of Zeitoun. Worldview Magazine, Volume 16 No. 9 September 1973 online[patay na link]
  4. Derr, J.S., & Persinger, M.A. Geophysical variables and behavior: LIV. Zeitoun (Egypt) apparitions of the Virgin Mary as tectonic strain-induced luminosities. Perceptual and Motor Skills, 1989, 68, 123-128. online
  5. Siddle, Ronald; Haddock, Gillian, Tarrier, Nicholas, Faragher, E.Brian (1 Marso 2002). "Religious delusions in patients admitted to hospital with schizophrenia". Social Psychiatry and Psychiatric Epidemiology. 37 (3): 130–138. doi:10.1007/s001270200005. PMID 11990010.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  6. Mohr, Sylvia; Borras, Laurence, Betrisey, Carine, Pierre-Yves, Brandt, Gilliéron, Christiane, Huguelet, Philippe (1 Hunyo 2010). "Delusions with Religious Content in Patients with Psychosis: How They Interact with Spiritual Coping". Psychiatry: Interpersonal and Biological Processes. 73 (2): 158–172. doi:10.1521/psyc.2010.73.2.158.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  7. Suhail, Kausar; Ghauri, Shabnam (1 Abril 2010). "Phenomenology of delusions and hallucinations in schizophrenia by religious convictions". Mental Health, Religion & Culture. 13 (3): 245–259. doi:10.1080/13674670903313722.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Ng, Felicity; Mammen, Oommen K; Wilting, Ingeborg; Sachs, Gary S; Ferrier, I Nicol; Cassidy, Frederick; Beaulieu, Serge; Yatham, Lakshmi N; Berk, Michael (2009). "The International Society for Bipolar Disorders (ISBD) consensus guidelines for the safety monitoring of bipolar disorder treatments". Bipolar Disorders. 11 (6): 559–95. doi:10.1111/j.1399-5618.2009.00737.x. PMID 19689501.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. http://www.telegraph.co.uk/news/worldnews/1567216/Italys-Padre-Pio-faked-his-stigmata-with-acid.html
  10. http://www.skepdic.com/faithhealing.html
  11. Hobohm U (2005). "Fever therapy revisited". Br. J. Cancer. 92 (3): 421–5. doi:10.1038/sj.bjc.6602386. PMC 2362074. PMID 15700041. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Oregon House unanimously votes to end faith healing exception
  13. Porphyry, Life of Pythagoras 29
  14. Mahavagga 20:7-9
  15. Mahavagga 7:8-10
  16. Maha-sihanada Sutta
  17. Rudolf Bultmann, The Gospel of John, Westminster, Philadelphia 1971: p240 quoted in Helms, Gospel Fictions, 81
  18. Jataka 78
  19. E.J. Thomas, The Life of Buddha, p245; EW Hopkins, The Message of Buddhism to Christianity, The Biblical World, Vol. 28, No. 2 (Aug., 1906), pp. 94-107
  20. Philostratus, Vita Apollonii IV, 45
  21. Vita Apollonii III, 39
  22. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-07. Nakuha noong 2012-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Yerushalmi Demai 1:3
  24. Hullin 7a
  25. Keller, James. “A Moral Argument against Miracles,” Faith and Philosophy. vol. 12, no 1. Jan 1995. 54–78