Buksan ang pangunahing menu

Ang Kabuuang Pambansang Produkto (Ingles: Gross National Product o GNP) ang halagang pamilihan ng lahat ng mga produkto at serbisyong prinodyus sa isang taon ng trabaho at pag-aaring sinuplay ng mga residente ng isang bansa. Hindi tulad ng kabuuang produktong domestiko(GDP) naglalarawan ng produksiyon batay sa heograpikal na lokasyon ng produksiyon, ang GNP ay naglalaan ng produksiyon batay sa pag-aari. Ang GNP ay hindi nagtatangi sa pagitan ng kwalitatibong mga pagpapabuti sa katayuan ng mga teknikal na sining (e.g. papataas na bilis ng pagpoproseso ng kompyuter) at mga pagtaas na kwantitibo sa mga kalakal(e.g. bilang mga kompyter na pinrodyus) at isinasaalang ang parehong ito na mga anyo ng "paglagong ekonomiko".[1]

GNP vs. GDPBaguhin

Ang Kabuuang Pambansang Produkto(GNP) ay kadalasang sinasalungat sa Kabuuang produktong domestiko(GDP). Bagaman ang GNP ay sumusukat ng mga output na nalilikha ng mga negosyo ng isang bansa(kahit pa ito ay pisikal na nasa bansa o nasa ibang bansa), ang GDP ay sumusukat ng kabuuang output na nilikha sa loob ng mga hangganan ng isang bansa kahit ito ay nilikha ng sariling lokal na negosyo ng bansa o ng mga negosyo ng dayuhan. Kapag ang kapital ng bansa o mga magpakukunang trabaho ay ginamit sa labas ng mga hangganan nito o kapag ang isang negosyo ng dayuhan ay pinapatakbo sa teritoryo nito, ang GDP at GNP ay maaaring lumikha ng iba't ibang mga sukat ng kabuuang output. Halimbawa noong 2009, tinantiya ng Estados Unidos ang GDP nito sa $14.119 trilyon at ang GNP nito sa $14.265 trilyon.[2]

GamitBaguhin

Ginagamit ng Estados Unidos ang GNP bilang pangunahing sukat nito ang kabuuang gawaing ekonomiko bago ang 1991 nang simula itong gumamit ng GDP.[3] Sa paglipat, ang Bureau of Economic Analysis (BEA) ay nagbanggit na ang GDP ay nagbibigay ng mas madaling paghahambing ng ibang mga sukat ng gawaing ekonomiko ng Estados Unidos at ang halos lahat ng mga bansa ay kumuha na ng GDP bilang kanilang pangunahing sukat ng produksiyon. [4]

Talaan ng mga bansa ayon sa GNP(GNI) (nominal, Atlas method) (mga milyon noong 2012 US$)[5] (Taas na 10 bansa)Baguhin

Rank 2011 2010 2009
1   Estados Unidos 15,097,083   Estados Unidos 14,648,955   Estados Unidos 14,135,520
2   Tsina 6,628,086   Tsina 5,717,592   Tsina 4,822,913
3   Hapon 5,774,376   Hapon 5,359,236   Hapon 4,793,538
4   Alemanya 3,594,303   Alemanya 3,513,807   Alemanya 3,472,823
5   Pransiya 2,775,664   Pransiya 2,745,670   Pransiya 2,742,735
6   United Kingdom 2,366,544   United Kingdom 2,373,636   United Kingdom 2,532,124
7   Italya 2,146,998   Italya 2,149,222   Italya 2,141,109
8   Brasil 2,107,628   Brasil 1,859,414   Brasil 1,575,897
9   India 1,746,481   India 1,539,419   Espanya 1,469,901
10   Canada 1,570,886   Canada 1,475,865   Canada 1,412,899

Mga sanggunianBaguhin

  1. Daly, Herman E. (1996), Beyond Growth. Beacon Press
  2. "Flow of Funds Accounts of the United States" (PDF). Board of Governors of the Federal Reserve System. 17 September 2010. p. 9.
  3. "BEA: Glossary "G"". Bureau of Economic Analysis. 5 September 2007.
  4. "Gross Domestic Product as a Measure of U.S. Production" (PDF). 1991. Unknown parameter |month= ignored (tulong)
  5. [1]

SanggunianBaguhin

  • Christian Leipert (March, 1987) "A Critical Appraisal of Gross National Product: The Measurement of Net National Welfare and Environmental Accounting". Journal of Economic Issues, Vol. 21, No. 1, pp. 357-373
  • England, RW "Alternatives to Gross National Product: A Critical Survey", in Human Wellbeing and Economic Goals (Island Press, 1998)</marquee> please refer it <marquee>

Panlabas na kawingBaguhin