Kagipitan ng Pampublikong Kalusugang May Pandaigdigang Pakundangan

Ang isang Kagipitan ng Pampublikong Kalusugang May Pandaigdigang Pakundangan (Ingles: Public Health Emergency of International Concern[1]) ay isang pormal na pagpapahayag ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ng "isang pambihirang kaganapan na pinagpapasiyahan na maging isang panganib sa kalusugan ng publiko sa mga ibang Estado sa pamamagitan ng pandaigdigang pagkalat ng sakit at potensyal na mangangailangan ng isang magkakatugmang pandaigdigang tugon", na nabubuo kapag lumilitaw ang isang sitwasyon na "malubha, biglaan, pambihira o di-inaasahan", na " nagdadala ng mga implikasyon para sa pampublikong kalusugan na lampas pa sa pambansang hangganan ng apektadong estado" at "maaaring mangailangan ng agarang pandaigdigang kilos".[2] Sa ilalim ng Pandaigdagang Regulasyong Pangkalusugan (International Health Regulations o IHR) ng 2005, ang mga estado ay may ligal na tungkulin na tumugon kaagad kapag may PHEIC.[3] Isinasapubliko ang deklarasyon ng isang Komite Pang-emerhensiya (Emergency Committee o EC) ng mga pandaigdigang dalubhasa na kumikilos sa ilalim ng IHR, na binuo kasunod ng pagkalat ng SARS noong 2002–03.[4]

Ang logo ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan, ang awtoridad na nagdedeklara ng PHEIC

Mula noong 2009, mayroong anim na deklarasyon ng PHEIC:[5] ang pandemya ng H1N1 (o trangkasong pambaboy) ng 2009, ang deklarasyon ng polio sa 2014, ang pagkalat ng Ebola sa Kanlurang Aprika ng 2014, ang epidemya ng Zika virus ng 2015-16,[6] ang patuluyang epidemya ng Kivu Ebola ng 2018-20,[7] at ang patuluyang pandemya ng COVID-19.[8] Pansamantala ang mga rekomendasyon at kailangang pagsurian tuwing ikatlong buwan.[2]

Awtomatikong kinakategorya ang SARS, bulutong, wild type poliomyelitis, at anumang bagong subtype ng influenzang pantao bilang PHEIC at sa gayon ay hindi nangangailangan ng pasiya ng IHR na magdeklara nito.[9] Hindi limitado ang isang PHEIC sa mga nakahahawang sakit, at maaaring sumaklaw ng isang kagipitan na dulot ng pagkakalantad sa isang kemikal na sangkap o radyoaktibong materyal.[10] Sa anumang kaso sa loob ng saklaw nito, ito ay isang "panawagang kumilos" at "kahuli-hulihang" paraan.[11]

Mga sanggunian baguhin

  1. Van-Tam, Jonathan; Sellwood, Chloe (2010). Introduction to Pandemic Influenza (sa Ingles). Wallingford, Oxford: CABI. ISBN 978-1-84593-625-9.
  2. 2.0 2.1 WHO Q&A (19 June 2019). "International Health Regulations and Emergency Committees". WHO. Nakuha noong 19 June 2019.
  3. Renee Dopplick (29 April 2009). "Inside Justice | Swine Flu: Legal Obligations and Consequences When the World Health Organization Declares a 'Public Health Emergency of International Concern'". Nakuha noong 6 June 2014.
  4. Hoffman, Steven J.; Silverberg, Sarah L. (18 January 2018). "Delays in Global Disease Outbreak Responses: Lessons from H1N1, Ebola, and Zika". American Journal of Public Health. 108 (3): 329–333. doi:10.2105/AJPH.2017.304245. ISSN 0090-0036. PMC 5803810. PMID 29345996.
  5. Pillinger, Mara (2 February 2016). "WHO declared a public health emergency about Zika's effects. Here are three takeaways". Washington Post. Nakuha noong 19 June 2019.(kailangan ang suskripsyon)
  6. Hunger, Iris (2018). Coping with Public Health Emergencies of International Concern (sa Ingles). Bol. 1. Oxford University Press. doi:10.1093/oso/9780198828945.003.0004. ISBN 978-0191867422.(kailangan ang suskripsyon)
  7. WHO Statement (18 October 2019). "Statement on the meeting of the International Health Regulations (2005) Emergency Committee for Ebola virus disease in the Democratic Republic of the Congo on 18 October 2019". www.who.int (sa Ingles). Nakuha noong 21 October 2019.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  8. WHO Statement (31 January 2020). "Statement on the second meeting of the International Health Regulations (2005) Emergency Committee regarding the outbreak of novel coronavirus (2019-nCoV)". World Health Organisation (sa Ingles). 31 January 2020. Nakuha noong 6 February 2020.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  9. Mark A. Hall; David Orentlicher; Mary Anne Bobinski; Nicholas Bagley; I. Glenn Cohen (2018). "8. Public Health Law". Health Care Law and Ethics (9th pat.). New York: Wolters Kluwer. p. 908. ISBN 978-1-4548-8180-3.
  10. Halabi, Sam F.; Crowley, Jeffrey S.; Gostin, Lawrence Ogalthorpe (2017). Global Management of Infectious Disease After Ebola (sa Ingles). Oxford University Press. p. 110. ISBN 978-0190604882.
  11. Rull, Monica; Kickbusch, Ilona; Lauer, Helen (8 December 2015). "Policy Debate | International Responses to Global Epidemics: Ebola and Beyond". International Development Policy (sa Ingles). 6 (2). doi:10.4000/poldev.2178. ISSN 1663-9375.

Karagdagang pagbabasa baguhin

Mga kawing panlabas baguhin