Ang Kaharian ng Hejaz ay dating isang estado sa rehiyon ng Hejaz na pinamunuan ng mag-anak na Hashemite. Naging malaya ito mula sa natitibag nang Imperyong Ottomano bilang resulta ng Unang Digmaang Pandaigdig nang ang Sharif ng Mecca ay nakipagkasundo sa mga Britaniko na ang populasyong Arabe ay susulsulan at uudyuking mag-aklas laban sa mga Turko bilang kapalit ng isang nagkakaisang bansang Arabo. Noong 1916, ipinahayag ng Sharif ng Mecca ang sarili niya bilang Hari ng Hejaz habang ang kaniyang Hukbong Sharifiano ay nakilahok sa iba pang mga puwersang Arabo at sa Imperyo ng Britanya sa pagpapaalis ng mga Turko mula sa tangway ng Arabya.

Kaharian ng Hejaz
1916–1925
Watawat ng Hejaz
Flag of Hejaz (1917)
Flag of Hejaz (1920) ng Hejaz
Flag of Hejaz (1920)
Kaharian ng Hejaz (lunti) at kasalukuyang rehiyon ng Hejaz (pula) na nasa Tangway ng Arabya.
Kaharian ng Hejaz (lunti) at kasalukuyang rehiyon ng Hejaz (pula)
na nasa Tangway ng Arabya.
KabiseraMecca
Karaniwang wikaArabie · Persa (Persian)
Ottomanong Turkes
Relihiyon
Islam
PamahalaanMonarkiyang absoluto
Sharif 
• 1916–1924
Hussein bin Ali
• 1924–1925
Ali bin Hussein
PanahonPanahon ng palitan ng digmaan (interwar period)
• Naitatag ang kaharian
10 Hunyo 1916
• Kinilala
10 Agosto 1920
• Nasakop ng Nejd
19 Disyembre 1925
• Ibn Saud, kinoronahang Hari ng Hejaz
8 Enero 1926
Pinalitan
Pumalit
Hejaz Vilayet
Kaharian ng Nejd at Hejaz
Transhordano

Ang rehiyon ng Hejaz ay nagkaroon ng ilang mga imprastrukturang pang-estratehiya, partikular na ang daambakal ng Hejaz, na hindi pinaandar noong panahon ng digamaan dahil sa ginamit ito upang dagdagan ang mga hukbong Turko sa rehiyon.

Noong 1925, ang kaharian ay isinanib ng kanugnog na Kasultanan ng Nejd sa ilalim ng isang muling nabuhay na Sambahayan ng Saud, at pinagsanib upang maging ang Kaharian ng Nejd at Hejaz, na sa pagdaka ay makikilala bilang Saudi Arabia (Arabyang Saudi) sa pagsapit ng 1932.[1][2]

Mga hari ng Hejaz

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Madawi Al-Rasheed. A History of Saudi Arabia. Cambridge, England, UK: Cambridge University Press, 2002.
  2. A Brief overview of Hejaz - Kasaysayan ng Hejaz