Sambahayang Saud

(Idinirekta mula sa Sambahayan ng Saud)

Ang Sambahayang Saud, Kabahayang Saud, o Angkang Saud (Arabe: آل سعودĀl Suʻūd) ay ang numunong mag-anak na royal ng Arabyang Saudi. Ang pamilyang ito ay mayroong libu-libong mga kasapi. Binubuo ito ng mga inapo ni Muhammad bin Saud at ng kaniyang mga kapatid na lalaki, bagaman ang namumunong pangkat ng mag-anak ay pangunahing pinangungunahan ng mga kaapu-apuhan ni Abdulaziz bin Abdul Rahman Al Saud. Itinataguyod ng pamilya ang Islam na Salafi at ang kaisahan ng Arabya.[1]

Sambahayang Saud
BansaArabyang Saudi
Mga pamagat
Pangkasalukuyang pinunoSalman
Pagtatatag1744 — Muhammad ibn Saud

Ang pinaka maimpluwensiyang miyembro ng mag-anak ay ang Hari ng Arabyang Saudi. Ang trono ay ipinapasa mula sa isang anak na lalaki ni Haring Abdulaziz papunta sa isa pa. Ang pamilya ay tinatayang binubuo ng 15,000 mga kasapi, subalit ang karamihan sa kapangyarihan at kayamanan ay pag-aari ng isang pangkat ng humigit-kumulang sa 2,000 lamang.[2][3]

Ang Sambahayang Saud ay dumaan na sa tatlong mga yugto: ang Unang Estadong Saudi, ang Ikalawang Estadong Saudi, at ang modernong nasyon ng Arabyang Saudi. Ang Unang Estadong Saudi ay nagbigay tanda sa paglawak ng Islam na Wahhabi. Ang Ikalawang Estadong Saudi ay nabigyang tanda ng pagkakaroon ng tuluy-tuloy na panloob na pag-aaway-away. Ang pangmakabagong panahong Arabyang Saudi o Saudi Arabia ay naghahawak ng malaking impluwensiya sa loob ng Gitnang Silangan. Ang pamilya ay dating nagkaroon ng pakikipaghidwaan sa Imperyong Ottomano, sa Sharif ng Mecca, sa mag-anak na Al Rashid ng Ha'il, at maraming mga pangkat na Islamista na kapwa nasa loob at labas ng Arabyang Saudi.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Saudi Arabia's Fall on Our Radar?". Shia News. Ahlul Bayt News Agency. 28 Pebrero 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-23. Nakuha noong 19 Marso 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "HRH Princess Basma bint Saud bin Abdulaziz Al Saud". BBC. 28 Hulyo 2011. Nakuha noong 7 Abril 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Milmo, Cahal (3 Enero 2012). "The Acton princess leading the fight for Saudi freedom". The Independent. Nakuha noong 3 Enero 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.