Hari ng Saudi Arabia

(Idinirekta mula sa Hari ng Arabyang Saudi)

Ang Hari ng Saudi Arabia ang pinuno ng estado at ng kaharian ng Saudi Arabia. Siya ang nagsisilbing Pinuno ng Kaharian ng Saudi at ng Tahanan ng Saud.

Hari ng Kaharian ng Saudi Arabia
ملك المملكة العربية السعودية
Nanunungkulan
Salman ng Saudi Arabia
Detalye
EstiloThe Custodian of the Two Holy Mosques
Malinaw tagapagmanaPrinsipe Muqrin bin Abdulaziz
Unang monarkoIbn Saud ng Saudi Arabia
Itinatag23 Setyembre 1932

Sa loob ng Saudi Arabia ang hari ay kilala sa taguring 'Ang Tagapag-ingat ng Dalawang Banal na Moske (خادم الحرمين الشريفين), na tumutukoy sa pagkakasaklaw ng Arabyang Sadui sa moske ng Masjid al Haram sa Mecca at Masjid al-Nabawi sa Medina.

Mga Hari ng Saudi Arabia (1932 - kasalukuyan)

baguhin
No. Pangalan Larawan Haba ng buhay Simula ng pamumuno Tapos ng pamumuno Note
1 Abdul Aziz (Ibn Saud)   1876 - 1953 22 Setyembre 1932 9 Nobyembre 1953 Gumawa at unang hari ng Saudi Arabia
2 Saud   1902 - 1969 9 Nobyembre 1953 2 Nobyembre 1964 (pinatalsik ng kanyang nakakabatang kapatid nasi Faisal) Anak ni Ibn Saud I
3 Faisal   1906 - 1975 2 Nobyembre 1964 25 Marso 1975 (pinatay/Binaril) Kapatid ni Saud IV
4 Khalid   1912 - 1982 25 Marso 1975 13 Hunyo 1982 Kapatid ni Faisal II
5 Fahd 1921 - 2005 13 Hunyo 1982 1 Agosto 2005 Kapatid ni Khalid II
6 Abdullah 1924 - 2015 1 Agosto 2005 23 Enero 2015 Kapatid ni Fahd I
7 Salman 1935 - 23 Enero 2015 kasalukuyan Kapatid ni Abdullah IV

Ang mga pinalit kong litrato ay officeyal na portrait ng mga hari parang awa wag tangalin o ibagin ang mga litrato salamat sa pangunawa

Sinimulang pamunuan ni Haring Abdul Aziz ang ngayo'y Saudi Arabia noong 1902, sa muling pagtatalaga niya ng kanyang pamilya bilang hari ng Riyadh. Sumunod niyang sinakop ang Nejd (1922) at ang Hejaz (1925). Mula sa pagiging Sultan ng Nejd, patungong Hari ng Hejaz at Nejd, at sa wakas bilang Hari ng Saudi Arabia (1932).

Mga anak niyang lalaki ang iba pang mga naging hari, at lahat ng mga magiging kahalili ni Haring Abdullah ay mga anak rin niya. Ang mga anak ni Ibn Saud ang itinuturing na pangunahing may karapatan sa pagkahari sa Saudi Arabia. Ito ang naging kakaiba sa Kaharian ng Saudi sa iba pang mga kanluraning kaharian, na kalimitang may malaki, malinaw na pamilyang maharlika at pagkakasunod-sunod ng palitan.

Ang Hari ng Saudi Arabia ang itinuturing ring Puno ng Tahanan ng Saud at Punong Ministro. Ang Prinsipeng Tagapagmana ang siya ring "Katulong na Punong Ministro." Naghirang ang mga haring sumunod kay Faisal nang "ikalawang Katulong na Punong Ministro" bilang kasunod na tagapagmana ng Prinsipeng Tagapagmana. Ang kasalukuyang Prinsipeng Tagapagmana ng Saudi Arabia ay ang kapatid na lalaki sa magulang ni Abdullah, si Prinsipe Sultan, at itinakda na isang kapulungan ng pamilya ang pipili ng mga tagapagmana sa mga susunod na henerasyon. Ang Ikalawang Katulong o ang ikatlo sa tagapagmana ay si Prinsipe Nayef.

Ang Saudi Arabia ay napapasailalim sa mga batas Islam at sinasabing estadong Islam, subalit maraming Muslim ang nagsasabing ang kaharian o monarkiya ay hindi Islamikong sistema ng pamahalaan. Nagmula ang kaugaliang ito mula sa doktrina ng mga Sunni, na mas gusto ang pagpili ng tagapamuno sa pamamagitan ng kung sino ang karapat-dapat , kahit pa ang caliphate ay naging sistemang namamana matapos ang unang apat na Caliphs (ang Rashidun).

Tingnan rin

baguhin

Line of succession to the Saudi Arabian Throne