Tagapag-ingat ng Dalawang Banal na Moske

Ang Tagapag-ingat ng Dalawang Banal na Moske (Wikang Arabe: خادم الحرمين الشريفين khādim al-ḥaramain al-šarīfain), isang katagang historikal, ang banal na titulong ginamit ng mga Ayyubid, Mga Sultang Mamluk ng Ehipto, mga Sultang Ottoman, at ngayo'y ginagamit muli ng mga bagong Hari ng Saudi.

Kahariang Saudi

baguhin

Mas kilala ito bilang titulong ginagamit ng Hari ng Arabyang Saudi sa kanyang tungkulin bilang tagapag-ingat ng dalawa sa pinakabanal na lungsod ng Islam, ang Mecca at ang Medina, na siyang nakaugaliang tungkulin ng isang Caliph.

Ang unang haring gumamit ng titulo ay si Fahd bin Abdul Aziz noong 1986. Nakuha ng kasalukuyang hari na si Abdullah bin Abdul Aziz ang titulo pagkamatay ni Haring Fahd, ang kanyang kapatid na lalaki sa magulang, noong 2005.

Pinalitan ni Haring Fahd ang katagang "Kanyang Kamahalan" ng "Tagapag-ingat ng Dalawang Banal na Moske" dahil sinasabing ang Diyos lamang ang Pinakamaharlika.

Tingnan din

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Saudi Arabia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.   Ang lathalaing ito na tungkol sa Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.