Meka

(Idinirekta mula sa Mecca)

Ang Meka, na binabaybay ding Mecca o Makkah (ginagamit ang Mecca sa mas matatandang mga teksto; may opisyal na pangalang Makkah al-Mukarramah; Arabe: مكة المكرمة‎) ay isang lungsod sa Saudi Arabia. Mayroong 1,294,169 katao ang namumuhay doon (senso ng 2004). Ang lungsod ay may sukat na 73 kilometro (45 milya) paloob ng lupa magmula sa Jeddah, na nasa makipot na mabuhanging Lambak ni Abraham, 277 metro (909 talampakan) na nakataas sa antas ng dagat. Nakalagak ito na 81 kilometro (50 milya) magmula sa Dagat na Pula.

Ang Meka ang pinakabanal na lungsod sa mundo ng Islam. Taon-taon, milyun-milyong mga Muslim ang nagsasagawa ng pilgrimahe o pamamakay papunta sa Meka. Tinatawag ang paglalakbay na ito bilang Hajj, kung sinusundan ng mga Muslim ang mga yapak ni Muhammad. Lahat ng mga Muslim na makakapagsasagawa nito ay inaasahang gawin ang Hajj kahit na isang ulit lamang sa panahon ng kanilang buhay. Ang Kaaba at ang Masjid al-Haram, pinakabanal na moske sa Islam ay nasa Meka. Nakasara ang Meka sa mga hindi Muslim maliban na lamang sa ilang mga tagapamahayag na nag-uulat nang hinggil sa Hajj.

Kasaysayan

baguhin

Ang Kaaba, ang maliit na hugis kubikong gusali na hinaharapan ng mga Muslim habang nagdarasal ay pinaniniwalaang itinatag ni Ibrahim at naging isang sentro ng pananampalataya magmula noon. Naniniwala ang mga Muslim na inataasan ng Diyos si Ibrahim na ipadala ang pangalawa niyang asawang si Hajar at ang kaniyang anak na lalaking si Ismail dito.[1] Natagpuan ng mag-ina ang Balon ng Zamzam na nagpahantong sa mga tao manirahan sa kalapit na lugar, kung kaya't naitatag ang Meka. Nang nasa tamang gulang na si Ismail, tinulungan niya ang kaniyang ama na itayo ang Kaaba. Ang Kaaba ay isang pook na pinananalanginan ng mga Muslim habang nakaharap dito. Tinawag itong Qibla at ito lamang pook na mahaharap ng Muslim kapag nagdarasal.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The Qur'an 14:37". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-10-15. Nakuha noong 2012-11-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Qur'an 2:217

Mga kawing palabas

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Saudi Arabia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.